>Hustisya sa Pinas isasabit si Maryjane Veloso?!?! >ASEAN Summit 15 Billion pesos ang budget!!!

Hindi ko lubos na maisip ang nangyayaring brouhaha hinggil sa pakikipag usap ni PDigong sa pangulo ng Indonesia na si Jako Wydodo sa nagaganap na ASEAN Summit hinggil sa pagpapalaya o pag-bigay ng reprieve o executive clemency kay Mary Jane Veloso na matagal ng nakakulong sa Indonesia sa sala ng pag-puslit ng droga sa Indonesia. Hindi ba at nagkaruon na ng maraming balita na si Mary Jane ay na set up lang daw at talaga raw na inosente siya at ang nag set up sa kanya ay ang kanyang recruiter kaya na aresto ang recruiter at kasalukuyan ay nililitis ang kaso laban sa kanya? Yan ang aking pagkaka-alala hinggil sa kaso ni Mary Jane.

Ako ngayon ay takang taka sa ating gobyerno na kung ganoon nga ang sitwasyon ay bakit hind na lang i-fast track ang paglitis sa kaso laban sa recruiter para sa ganoon ay magkaalaman na nga kung biktima rin itong si Mary Jane o kasabwat siya talaga sa pag-puslit ng droga?! Sapagkat kung ang magiging resulta ng paglilitis ay walang kinalaman itong si Mary Jane ay sigurado ko na ang desisiyon na ito ay mabibigyan ng konsiderasyon ng gobyerno ng Indonesia, at ng sa ganoon ay hindi maiipit itong si President Wydodo na mag-bigay ng reprieve o executive clemency kay Mary Jane. Hindi po ba na dapat ay ito ang inatupag ng ating pamahalaan sa agarang nakaraang panahon? O ngayon, ano ang aasahan ninyo kay Pres. Wydodo ay mag-astang polpolitikong Pilipino at mag baback-track sa kanilang war on drugs at lalambot? No way! Iba si President Wydodo. Pinakita na niya na dala niya ang kanyang bayag pagdating sa laban sa China, etc. at mismong sa kanilang war on drugs, na katulad sa batas sa Indonesia, China, Singapore at Malaysia hindi katulad dito na dedbol agad, o bayad agad para lusot na. Sa kanila ay nililitis muna bago bitayin.

####

Kinse bilyones o 15 Billion Pesos ang budget na gagastusin ng ating gobyerno para sa nagaganap na ASEAN Summit! Wow naman, totoo ba ito? Ayon sa balita ay ganito daw talaga ang gagastusin.

Hanep din talaga ang Pinas, bigtime at isang first world country na nga. Hi! Hi! Hi! First World Country barya-barya lang yan. Hi! Hi! Hi!

Ayoko ko ng komentohan ang justification or non-justification hinggil sa laki ng budget na ito, bagamat nais ko lang kayong iwanan ng ilang katanungan hinggil dito.

• Ilang paaralan kaya ang magagawa ng P15Billion?
• Ilang mahihirap na walang makain at may mga sakit ang matutulungan ng P15 Billion?
• Gaaano karaming hanap buhay ang maisasagawa ng P15 Billion para sa ganoon ay mabawasan ang kahirapan?
• Ilang estudyantye sa kolehiyo ang mapapagaral ng P15 Billion nang madagdagan ang mga edukadong Pilipino at mabawasan kaming mga TANGANG DUTERTARDS. Hi ! Hi ! Hi !.

Kayo ang mag isip (esep-esep lang konti mga dear readers) at sumagot ng aking mga katanungan. Isa tayong third world country at ang daming mahihirap sa ating bansa. Ang dapat sana ay huwag na tayong mag-host ng mga ganitong event sapagkat hindi natin kayang gumastos ng ganito kalaki. Katulad ko halimbawa, gusto ko ng isang malaking bahay, gusto ko nga magagarang sasakyan bagamat hindi ko kaya. Kaya nagco-commute lamang ako at simpleng barong-barong lang ang aking tirahan. Ganuon po ang buhay. Dapat ay mamuhay tayo sa ating kakayahan at huwag maging HAMBOG!!! Tama bo imo Dong Digong!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages