>Impeachment para sa 9 na SC Justices!!! >Nakasisiguro ba si Tong Aliping?!?!

Impeachment para sa 9 na SC Justices – Kung saka-sakali Poe na mamalasin ang ating bansa ay sa unang pagkakataon magkakaroon tayo ng isang pangulo na hindi pa kuwalipikadong tumakbo para sa pinakamataas na posisyon ng bansa at pati na rin ang first gentleman ay isang US citizen at ang mga anak Poe nila ay puros US citizens rin. Ano ba namagn kalokohan itong pinaggagawa nila na pag wa-walanghiya sa ating saligang batas? PINAGTATAWANAN NA TAYO NG BUONG MUNDO. Ang hirap nga namang isipin na sa isan-daang milyong Pilipino at sa dinami-dami ng pupuwedeng pagpilian na kandidato para presidente ay ipinagpipilitan ng mga iba itong si Poe.

Itong namang babaeng ito ay hindi na nahiya at ipag-pipilitan ang kanyang sarili at gagawin ang lahat para baluktutin ang batas para lamang maka-takbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa! Kitang-kita ang kanyang kasakiman sa kapangyarihan. Gobyernong may Puso? MAMATI KA! Bull Shit!!! Nagkaroon lang nang pagkakataon na siya ay naging anak ng isang sikat na artista (FPJ) na isa rin namang walang track record sa public service at lalung-lalo na itong si Grace Poe na isang zero accomplishments ay hindi na nahiyang tumakbo para pangulo.

Hindi ko lubos na maisip na ang siyam (9) na mahistrado ng korte suprema ay siyang maglalapastangan at wawalanghiyain ang ating saligang batas, Tsk! Tsk! Tsk. Ayoko ng mag-komentaryo hinggil sa mga posibleng dahilan kung bakit ginawa ito ng siyam na mahistrado at sila ay nag astang mga P _ _ a. Basta sa ngayon, kung hindi mare-reverse ang kanilang desisyon ay kakailanganin na ma –impeach ang siyam na mahistrado or at least ang cheap jastis man lang na si sereno ay ma-impeach. Kaya ang aking panalangin na lang ay Mahal Na Panginoon Maawa Poe Kayo Sa Mga Pilipino, Wag Na Wag Poe Ninyong Payagan Na Mahalal itong Si Poe.

####

Nakasisiguro ba si Tong Aliping?!?!- Tumitindi ang bakbakan para Tongressman este Congressman, mabigat ang gapangan sa iba’t ibang lebel ng local government, mula sa mga kupitan este kapitan ng barangay pataas ay ginagapang ng mga makapangyarihan at mayayaman na kandidato ang kanilang itinatakbong posisyon bagama’t hindi pa naman nag-uumpisa ang campaign period at sa March 26 pa magsisimula ito. Last year pa ay nag-umpisa na ang unofficial campaign period.

Pinaka mainit sa lahat ang kampanya para tongressman sapagkat kung inyong maalala ay nuong nakaraang eleksyon, ay 2000 plus votes lang ang lamang ni Tong Aliping (MALIIT LANG) at alam naman natin na nakuha kasi ni Tong Aliping ang Aglisi Ni Manalo este Iglesia Ni Cristo (INC) at sila ay may 5,000 to 7,000 na bobotante este botante sa Baguio. Isipin ninyo na kung hindi nakuha ni Aliping ang INC ay sa kangkungan siya pupulutin.

Sa kasalukuyan ay malamang na makukuha muli ni Aliping ang INC unless makuha ito ni Apo Bernie, ngunit ang tanong ay makasisiguro ba si Apo Aliping na siya na nga muli ang magiging anak ng Diyos at mahahalal na tongressman? Bagama’t hindi tayo statistician, alam naman natin na marami ring konsiderasyon ang pumapalibot para mahalal at hindi lang naman parating pera ang nagiging konsiderasyon ng maraming mga bobotante este botante at mayron pa ring mga ibang aspeto na kanilang titingnan at bibigyan ng konsiderasyon.

Kaya sa ngayon ay kung ako si Apo Aliping ay hindi ako magiging kampante at hindi ko memenosin si Apo Bernie at Apo Mark Go na sa akala ng marami sa kanyang mga kaalayado ay 100 % sure ball na siya na mahahalal ng mga bobotanteng este botanteng mga tanga este taga Baguio na gusto ng tuwad na daan ni Penoy!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages