Impitsmen Komplen, Todas ka na!!!

Sa wakas ay dumating na rin ang araw kung saan nasampahan ng impeachment complaint itong si Poon Nasiraan Digong este Pangulong Digong.

Alam naman nating lahat na walang mangyayari sa impeachment na ito at siguradong hinidi mai-impeach itong si Digong. Panahon nga ni GMA ay naka-ilang impeachment rin siya ngunit ala ring nangyari sapagkat habang nasa poder ang pangulo ay hawak niya ang tongreso este kongreso at ang isang impeachment complaint ay paramihan lang naman ng kakampi sa tongreso.

Kaya ang tanong ay bakit pa isinampa ang nasabing impitsmen komplen?

Ayon sa opinyon ng ibang mga experto ay at least mailalagay into legal form at magiging publiko o public ang nasabing mga records at hindi lang panay haka-haka at kiao-kiao kung hindi ay records done under oath ika nga. Ang isa pa na paggagamitan daw ng impitsmen komplen ay ang para sa International Criminal Court o ang ICC na siyang gagamiting ebidensiya sa paglilitis kay Pangulong Digong, sapagkat kapag na-dismiss na ang impitsmen komplen ay pewidi nang dalhin o isampa sa ICC ang kaso. Ayos din naman ang malitis sa ICC sapagkat sa aking pagkakaalam ay kahit na nung kapanahunana ni Pangulong Marcos ay hindi naman siya nalitis sa ICC, kaya sikat itong si Digong kung siya ang malilitis sa ICC at makakaparehas niya sina Idi Amin, Sadam Hussiein, Muamar Khadaffi at marami pa na ibang mga diktador na kriminal na lantarang nagba-violate ng karapatang pantao o human rights.

Mukhang mapapalaban ang kasalukuyang administrasyon kung saan hindi rin naman biro-biro ang mga sanctions na isasagawa ang EU, ang Estados Unidos at iba pa na mga western countries and cultures na binibigyan ng kahalagahan ang human rights.

Para sa akin ang hindi ko gusto sa kasalukuyang laban sa droga ay ang puros very small fish o mga dukha lamang ang napapatay. Eh bakit puros maliliit lamang at hindi ang malalaking isda o big fish o kahit na sana ang mas mga may kaya sa buhay ang kanilang tigokin, bakit???

Ayon sa opinyon ng ilan ay ang kasalukuyang laban sa droga ay palpak rin kahit na sa Davao sapagkat ang patunay nito ay nuong na ilunsad ang oplan tokhang at double barrel ay napakaraming nag surrender din sa Davao kung saan ay 20 years nang ipinatutupad ang oplan tokhang. O di yun ang patunay na it is a failure kahit na sa Davao, sapagkat kung successful ang tokhang eh di konti na sana ang drug users sa Davao! O tayong mga Dutertards, ano pa ang kelangan nating malaman para mamulat ang ating mga mata?

Sa susunod ko na kulom ay aking tatalakayin ang issue nitong benhamrice este rise. Hi! Hi! Hi! Kaya ingat-ingat po kayong mga dear readers at baka mapagkamalang pipitsuging drug user at pusher at matigok kayo ng DDS, alam niyo naman at ganuon kamura ang inyong buhay.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages