ISUSPINDE MUNA ANG BBL KATARUNGAN PARA SA SAF 44

ISUSPINDE MUNA ANG BBL KATARUNGAN PARA SA SAF 44

January 31, 2015

ISUSPINDE MUNA ANG BBL- Hindi naman siguro kailangan ng kakaibang  katalinuhan para unawain at isipin na kung bakit na sa poder ng MILF at ang kanilang break-away group na  BIFF ang isang highly wanted na International terrorist na mayroon patong sa ulo na 6 million dollars at isang lokal na terrorist. Isipin naman ninyo mga dear readers, hindi pa nga na aaprubahan ang BBL law eh kinukupkop na nga ng MILF ang mga terorista eh di lalo na kapag aprubado na ang BBL,  eh di lalong matindi na ang kapangyarihan ng MILF, lalong kawawa ang ating mga kababayan , kapulisan etc…, At bakit pinayagan ng gobyerno na magkaroon ng MILF controlled areas ang MILF na kung saan kailangan pa na tumimbre ang ating mga alagad ng butas este batas bago sila makapag operate sa isang lugar, ANO BA NAMAN KLASENG KATARANTADUHAN ITO, HA MR. BS AQUINO ???? Saan ka nakakita ng isang sovereign state (sovereign state daw ang Pilipinas ) na dalawa ang kapulisan at ang PNP SAF ay kailangan pa na tumibre sa MILF, MGA GUNG-GONG KAYO??? Bakit atat-na –ata na itong si BS AQUINO na maipasa ang BBL , ano ba talaga ang mga negosyong nagaantay para sa kanyang mga crony, ano ba talaga ang nasa likod ng agarang pag-apruba ng BBL maliban sa isang imagined peace ??? ANG BOTTOMLINE SA ISYU NA ITO AY , KUNG WALANG MGA TERORISTA SA NASABING LUGAR EH DI WALA SANANG  OPERASYON  KAYA BUHAY NA BUHAY PA SANA ANG ATING MGA KAPATID NA SAF !!! Kaya ang aking panawagan ay pansamantalang suspindihin muna ang isinasagawang peace process hanggang hindi naipapaliwanag ng ma ayos at tama ng MILF ang mga pangyayari at hanggang hindi pa na bibigyan ng katarungan ang pagkamatay sa mga miyembro ng SAF na kung saan ang tanging katarungan lamang ay I TURN OVER NG MILF SA GOBYERNO ANG MGA SALARIN !!!

                                                                                                ####

KATARUNGAN PARA SA SAF 44 – Ano ba ang ating depinisyon ng katarungan o Justice sa kaso ng pagkakapaslang  ng mga kapatid natin  na 44 SAF men ? Ito ba ay pagsasampa ng reklamo sa hukuman laban sa mga salarin MILF-BIFF? Ito ba ay ang pag bibigay ng malaking salapi sa mga naiwan nilang pamilya ? Ito ba ay ang malawakan at maingay na protesta  na gaganapin o magaganap pa lamang para sa katarungan ng SAF  44?  Ito ba ay ang pagbabasura ng prosesong kapayapaan para ipasa ang BBL ?  Para sa hamak at simpleng kolumnista na ito na inyong lingkod , ang aking depinisyon ng pagbibigay ng katarungan para sa mga pinaslang natin kapatid na SAF 44 ay ang ma iharap sa kamay ng hustisya ang mga salarin MILF at BIFF at ito ay walang ibang paraan mangyayari kung hindi base sa mga sumusunod: [1]  Isuko o isurrender ng liderato ng MILF at BIFF ang mga salarin ( mukhang malabong mangyari ito); [2] Hantingin ng ating mga PNP at Militar ang mga miyembro ng sandatahang lakas ng MILF at BIFF , kaya kailanagn muna ng suspensiyon sa peace process para magkaroon muna ng bakbakan, hindi ko po itinutulak o isinusulong ang mag ka gera o kaguluhan ngunit mukhang  walang ng ibang alternatibo. Ang MILF at BIFF ang hindi nag bigay galang sa buhay ng mga SAF at kanilang walang awang tinadtad ang ga SAF na silang mga alagad ng butas este batas. Ang MILF-BIFF  ang unang nagsagawa ng mga krimen kaya dapat lang na managot sila. Sa ganitong paraan lamang makakamit ang tunay na katarungan at hustisya para sa mga biktima at kanilang mga pamilya na naiwan . Ayokong sabihin at aminin ngunit mukhang tama si dating pangulong ERAP sa kanyang pagsabi na wala raw siyang tiwala sa MILF kaya siya nag deklara ng all out war sa MILF. Mabuhay ka dating  pangulong ERAP !!! SA NGAYON ANG MA-IPAPAYO KO KAY PANGULONG BS AQUINO at KANYANG MGA SIPSIP at STUPIDONG MGA  ADVISER AY MAGTUNGO SILANG LAHAT SA ISRAEL AT MAG ARAL SA ISTILO NI ISRAEL PRIME MINISTER BENJAMIN NETANYAHU !!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages