Serbisyong Marangal at Matapat
Elaine Dominguez-Sembrano is once more presenting herself and her legislative action program for a fresh mandate as reelectionist candidate for city councilor of Baguio. Siya po ay laking Baguio, taga-Baguio, at tulad ninyo ay lubos na nagmamahal sa Baguio.
Igorot na, Ilokana pa, pero sa huli, Pilipinang-pilipina!
Like you, she grew up in our city feeling proud that we live in a city that seems to have been fully blessed. Alam po naman natin na ang Baguio ay tanging lungsod na pinakamalapit sa langit, kaya naman binigyan tayo ng maipagmamalaking klima. Ang sabi nga po ng mga taga-Maynila, maswerte daw tayong taga-Baguio at araw-araw ay may libreng air-condition.
Sa panahon ng kanyang murang edad, naaalala ni Kabsat Elaine ang madalas na yumayakap sa ating Baguio fog, yung mga maninipis na ulap na dumadausdos mula sa langit at bumababa galing sa Mount Santo Tomas. Kanyang natatandaan na noong mga panahong iyon, malapit sa isa’t isa ang mga taga-Baguio. Sa isang akyat-baba sa Session Road, isandaang kakilala agad ang makakasalubong, palitan ng kumustahan na ngayon ay naging tsikahan.
Iyon po ang Baguio noon. Isang maliit na lungsod na tahanan ng mga magkakakilalang taga-Baguio. Isang paboritong pasyalan pag summertime ng mga taga-ibang probinsya na ang tanging pangarap ay mabisita ang Baguio kahit minsan lamang sa kanilang buhay.
Para ke Kabsat Elaine, ang Baguio noon ay Baguio ng ating mga simpleng pangarap. But, she says now, many years have since passed us by, years which saw Baguio experience many changes. The small city of our childhood has since grown by leaps and bounds to become a hyperactive highly urbanizing city struggling to be in step with the needs for modernization.
Ang sabing niyang madalas, “totoo nga po, marami ng pagbabagong naganap. Lumaki ang ating populasyon. Lumawak ang pangangailangan ng mga basic things in life. Dumami ang gumagamit ng tubig.dumami ang mga taong ang pakay ay manirahan at mabuhay sa Baguio, tulad nating mga taga-Baguio.”
Kaya naman, bilang isang baguhan, kanyang sinubukang ialay ang sarili – ang kanyang magagawa, ang maibabahagi – upang kahit papaano ay mayroon din siyang maibibigay at maibabalik sa Baguio. Di po ba na ang biyaya ng buhay ay dapat lamang na sinusuklian ng anumang biyaya ng pagtulong mula sa ating taga-Baguio?
Siya ay unang hinalal noong taong 2007 bilang Konsehal ng ating lungsod at ginawang Chairperson ng City Council Committee on Market, Trade and Commerce. Sa pakikipagtulungan at konsultation sa ating mga market stakeholders, kanyang nai-ayos, kanyang nalinis, at kanyang ginawang kasiya-siya ang ating public market.
Naibalik siya sa konseho noong 2013. Muli, kanyang pinangunahan ang Committee on Market, Trade and Commerce. Lalo pa niyang pinalakas ang kampanya na mapanitiling maayos pa, malinis, at mas kasiya-siya pa ang ating palengke. Elaine says that the city market deserves nothing less, since the Uniwide development has gotten stuck up in the courts.
“After all, our public market has been serving as a tourist attraction through the years. It is but right to make the market a pleasant place to do our household marketing, a tourist attraction once more,” she points out.
These past two and a half years, she did her utmost share in making our city public market clean and orderly, peaceful and safe. Ang Block 3 and 4 ay naitayo, nabuksan at naiayos upang mabigyan ng pwesto ang mga qualified vendors na taga-Baguio. “Susunod nating aayusin ang market building along Magsaysay Avenue. Matagal na itong building na fire-risk at anumang oras ay puwedeng magkasunog,” she says, “ayusin na natin bago pa magka-disgrasya.”
Pati na rin ang problema ng ating mga sidewalk, kaugnay ng sidewalk vending o ang pagtitinda sa sidewalk ay kanyang tinutukan. Ginawa siyang chairman ni Mayor Domogan ng task force na nag-asikaso sa problemang ito. Ngayon, lahat ng mga sidewalk vendors sa downtown area ay na-relocate na sa mga barangay, nabigyan ng pagkakataon maipagpatuloy ang kanilang marangal na hanap-buhay.
Now, there are about 250 former sidewalk vendors authorized to sell in their assigned barangays. Naka-I.D. sila habang nagtitinda at mahigpit na mino-monitor para sundin ang vending rules na sila mismo ang nag-approve sa mga public hearing na kanyang pinangunahan.
Ayon ke Kabsat Elaine, ang mahalaga dito sa programang Barangay Vending ay nabigyan natin ang mga sidewalk vendors ng paraan na maipagpatuloy ang kanilang hanap-buhay sa marangal na paraan, even as we cleared the downtown sidewalks of informal vending.
Para sa kanya, mahalaga na bigyang respeto ang tungkulin bilang halal ng bayan, bilang konsehal na mapagkakatiwalaan, ng buong puso, ng buong dangal, at buong sipag.
“Because I believe that a clean market reflects a clean city that Baguio deserves to be at all times. Because I believe that the best showcase we can proudly offer to our people and our visitors is a clean, peaceful, and orderly market,” she proudly tells the throng of visitors who flock to her office each day.
She adds that a business friendly environment will bring about more quality investments, better-paying jobs, and more contented workers and service providers.
For her, Baguio needs leaders who work hard, leaders who do their job in all honesty, leaders who perform with integrity and honor, leaders who are more concerned about building hope than weeping in frustration, leaders who will do what is right even when others are saying it is wrong.
For Elaine Dominguez-Sembrano, the best legacy she can achieve and hand over to her family, especially to her broadcaster of a daughter, Bernadette, is a clean, untarnished and honorable name. “Alam ko po na anumang yaman ay nawawala, ngunit ang malinis na pangalan ay pang walang hanggan.”
Ngayong kampanya, si Kabsat Elaine ay muling humaharap na puno ng pag-asa. Kumpyansa siya sa kanyang mga nagawa para sa Baguio. Kumpyansa siya na bilib ang sambayanan sa kanyang katapatan sa serbisyong ni minsan ay hindi nadumihan ang tiwalang nakamit ng dalawang halalan. “Ni minsan, hindi ako natinag sa mga hamon ng paglilingkod. Sa inyong tiwala, aking isinukli ang serbisyong buo ang katapatan, buo ang karangalan, at buo ang kasipagan.”/The Junction News Team