>Konsomisyon on Human Rights (KHR)!!! >Impeachment kay Sereno- mauuwi sa kahihiyan ng Tongress!!!

Konsomisyon on Human Rights (KHR) – Hi! Hi! Hi! Tunay na isang katawa-tawa ang kamakailan na nangyari kung saan ang mga magagaling na Tongressmen sa Tongress ay nagbibay ng P1,000 bilang budget ng CHR. Hindi nila sukat akalain na magiging napakatindi ng backlash sa kanila at lalung-lao na ay magagamit ng International tribunal ang nasabing kalokohan laban sa kanilang Poong Digong. Hi Hi Hi, isa talagang tunay na katawa-tawang hakbang na para bang nagbigay ng instant karma.

Sa mga susunod kong kulom ay pipilitin natin na mapangalanan ang mga bumotong pabor na putulin ang budget ng CHR. Ayun tuloy at nangonsomisyon ang kanilang hepe na si Gascon.

Ang tunay na katawa-tawa dito ay kung hindi mapanindigan ng mga Tongressmen itong kanilang panukala. Paano kapag na-deliberate na ito sa joint meeting ng mga senatong at tongreso, eh di ano na nangyari sa pagbubrutal, panghaharass at panggigipit ng mga tongressmen sa CHR? Eh di isang napakalaking kagaguhan at katatawanan at sampal kay Spikar Pantalon Bibot-Batibot Albaris ang naganap! Wha! Ha! Ha! Ha!

Sa dami ng mga negatibong komento mula sa mga netizens at public opinion hinggil sa kanilang pinaggagawa ay susubukan nilang kambyohin ang kanilang kapalpakan sa Senado. Kung minsan talaga ay ganyan ang nangyayari kapag ang mga opisyales na nasa poder ay lasing na lasing sa kapangyarihan. Kaya kayong mga ubod ang kokorap at takaw-takaw na opisyales na nasa kapangyarihan, chilax ng konti at huwag masyadong abusuhin ang inyong kapangyarihan at baka mapabilis ang pagpuno ng salop ng sambayanan (ika nga) at mas lalong mapabilis ang inyong pagtalsik sa poder. Hi!Hi! Hi!

NALPAS!

####

Impeachment kay Sereno- mauuwi sa kahihiyan ng Tongress – Grabe naman itong pambubutas kay kagalang-galang na Chief Justice Sereno, kesyo hindi raw niya dineklara ng kabuuan ang kanyang previous income sa kanyang SALN bago pa man siya nagging CJ. Bakit kayong mga tongressmen dinedeklara ba ninyo ang kabuuang income ninyo nuong araw nuong hindi pa kayo mga opisyal na buwaya este tongressman? Kesyo bumili raw ng isang SUV na nagkakahalaga ng P5M, mga dear readers pumunta kayo sa parking kot ng tongress at obserbahan ninyo ang mga sasakyan na naka parade duon, puros naman tig-lilimang milyon (pataas) ang mga yuon. Kesyo daw extravagant daw si CJ sa kanyang mga biyahe at sinasama niya ang kanyang mga staff and some lawyers. OWS, talaga! Ibig ba ninyong sabihin na mayroong makakatalo sa kayabangan ni Pangulong Dudirty pagdating sa gastusin sa foreign travel? In fact, ang latest na isang buong eroplano na bumiyahe patungo ng Russia ay aminado na napakaraming sabit na kung sinu-sino, mga asawa ng mga heneral, mga sabit ng mga gabinete etc, etc. Eh di i-impeach muna ninyo si President Dudirty bago si CJ Sereno!

Ano ba namang klaseng kakapalan ng mukha ito?! OH DIYOS POR SANTO, MAHAL NA PANGINOON, mga dishonorable members of the house who happen also to be known now as our RepresentaTHIEVES.

AGA AMMO TAYON!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages