LG Komentaryo, Isang Palaisipan Agosto 7 – 13, 2021

P8_LG KomentaryoNais lang muna naming ibato ang ilang mga katanungan mula sa ilang miyembro namin (non-lawyers) na bumabagabag at gumugulo sa isip at damdamin ng marami, kaya ito ay naging isang palaisipan. 

Ayon sa Section 5 ng Rule 18 (Rules of Court) Pre-Trial (Effect of Failure to appear): “ The failure of plaintiff to appear when so required pursuant to the next preceding section shall be cause for dismissal of the action. The dismissal shall be with prejudice, unless other-wise ordered by the court…”

Bagama’t mukhang malinaw naman ang nakasaad sa Section 5 ng Rule 18 na nasa kapangyarihan ng isang husgado ang magsagawa ng dismissal na “with prejudice,” marami pa rin ang katanungan para sa aming non-lawyers tungkol dito. 

 

 

SABI NG ATING SALIGANG BATAS: 

Ayon sa ating saligang batas (Constitution)   “ Article III,   Bill of Rights,  Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law (emphasis ours), nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”

ANO ANG IBIG SABIHIN NG DISMISSED  WITH PREJUDICE AT DISMISSED  WITHOUT PREJUDICE?

Ayon sa ilang depinisyon at implikasyon ng dismissal na “ with prejudice” ayon sa website sa robertmhefeld.com: 

“What Does ‘Dismissed Without Prejudice’ Mean?

There are two different ways in which a case may be dismissed, “with prejudice” or “without prejudice.” In order to understand what it means for a case to be dismissed “without prejudice” it is helpful to first understand what it means for a case to be dismissed “with prejudice.”

Dismissed With Prejudice

“Oftentimes the word “prejudice” is associated with unfair bias or discrimination, which may lead to the assumption that when a case is dismissed “with prejudice” it is due to some form of discrimination. That is not the case. In the legal context of a dismissal, “prejudice” refers to a loss of certain rights or privileges. For a case to be dismissed “with prejudice” means that it is dismissed with the loss of certain rights or privileges, and for a case to be dismissed “without prejudice” means the opposite. The rights and privileges in question have to do with whether the plaintiff will be able to bring the same case to court or file another suit that is based on the same grounds as the one that has been dismissed.

For a case to be dismissed “with prejudice” means that the case is dismissed permanently, it cannot be brought back to court, and the charges cannot be refiled. A case that is “dismissed with prejudice” is completely and permanently over.

A case will be dismissed with prejudice if there is reason for the case not to be brought back to court; for example, if the judge deems the lawsuit frivolous or the matter under consideration is resolved outside of court…”;

Sa puntong ito ay marahil ang mga abogado ay nag-iisip kung patungkol saan ba ang naging paggamit ng dismissal na with prejudice, ito ba ay desisyon ng husgado hinggil  sa isang criminal o civil case? Kaya tumbukin na natin and let us call a spade a spade ika nga!!!

Ang kaso na aming tinutukoy ay patungkol sa pagkawala ng karapatan ng isang katutubo (IP) sa kanilang Ancestral Land, dala ng tineknikal o sabihin na natin na TINARANTADO siya ng kanyang abogago.

ANG ILANG MGA KATANUNGAN AT KOMENTO MULA SA AMING MGA MIYEMBRO:

  1.  Kelan dapat at pupuwedeng gamitin ng husgado ang dismissal na “with prejudice”?
  2. Sabi ng ilang abogado na aming nakausap ay mayroon daw tinatawag na “judicial discretion”. Sa aming pagkakaintindi nito ay naaayon din naman ito sa ilang mga konsiderasyon kaya sinabi sa Sec. 5 Rule 18 na “The dismissal shall be with prejudice, unless other-wise ordered by the court…”  Samakatwid, ay puwede rin naman i-dismiss ng husgado na without prejudice, lalo na at Civil Case hinggil sa Ancestral Land ang ating pinag-uusapan dito!!!
  3. Paano na yung nakasaad sa ating Saligang Batas na “No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”?
  4. Karamihan sa amin ay naniniwala na iisa lamang ang Diyos at Panginoon natin. Iba’t-iba lang ang tawag sa kanila (Allah, God with Trinity, Yahweh etc…), ngunit hinding-hindi namin maisip at matatanggap na mayroon mga ilang mga NILALANG  na nag DIYOS-DIYOSAN!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages