VP Robredo kinakabahan na kay BBM – Alam naman ninyo mga dear readers na certified BBM and Dutertard ang inyong lingkod. Ang hindi ko maintindihan sa kasalukuyang protesta ni BBM at kontra protesta ni VP Leni ay kung bakit ayaw magbayad ng fees itong si VP Leni. Nakita naman ninyo na agad ng nagbayad si BBM, Hi! Hi! Hi! Aba eh, barya-barya lang yan sa mga Marcos, kahit na bilyones pa ay sisiw lang yan! Eh, bakit itong si VP Leni ayaw magbayad, bakit kaya, isa ba na namang delaying tactic ito Madam Vice President para mapatagal ang inyong pag-upo sa inyong posisyon na may isang malaking question mark? Isa ba itong delaying tactic, drama, o ano??? Nagtatanong lang naman po mga dear readers.
####
LTFRB, LTO dapat ayusin ang sistema – Tunay na nakalulungkot ang mga nagaganap na mga aksidente ng mga public transportation na katulad ng mga bus kung saan sa isang aksidente lamang ay dose-dosena na ang mga nasasawi.
Hindi pa nagtatagal at sariwa pa sa ating isipan ang hingil sa aksidente na naganap sa isang bus na arkilado ng isang eskuwelahan kung saan ang mga estudyante na nag-attend ng retreat ang siyang mga na dedo. Ngayon naman ay mahigit 30 plus daw ang nasawi at mayroon pang mga bata at sanggol. Sobra na! Tama na ang korapsyon na siyang muli ay ng ugat ng ganitong mga nawawalang buhay ng walang saysay!!!
Ngayon, ano ang dapat na gawin agad ng LTO at LTFRB?
Eto mga dear readers ang aking opinyon:
(1) Una sa lahat ay dapat ng ipagbawal ng totohanan ang overloading.
(2) Pangalawa ay dapat ng magsagawa ng isang totohanan na vehicle inspection ang LTO hindi lang once a year kung hindi every quarter (3 months) at huwag bigyan ng certification of road worthiness ang isang public transportation o public conveyance na hindi tunay na sertipikadong road worthy o maayos na masasakyan ng riding public. Ano ba yan, nagbabayad tayo para mamatay tayo!?!?
(3) Pangatlo ay ipagbawal na ang pagpaparehistro ng ubod ang luma na mga sasakyan na dinoktor lang naman ang kanilang supporing pesos este supporting papers of importation etc, para ma-rehistro at palabasin na bagong import pa ngunit sa tutuo ay bente (20) o trenta (30) anyos na ang mga nasabing pinalulusot na sasakyan na matagal ng ginagamit sa ating bansa. Kasama sa kalokohan na ito ang Bureau of Customs at BIR.
(4) Pang-apat ay dapat na ang sinasabing Professional Drivers license ay i-issue lamang sa tunay na mga professionals na naka-attend ng mga seminar at pag-aaral at hindi lang yung mayrooon pang-lagay kaya kung sinu-sinong pulpol na kayang magbayad ng additional na ilang daang piso para maka kuha ng isang Professional license ay nakakakuha na ng professional license agad. Mga BUGOK KAYO JAN SA LTO AT LTFRB – kaya nga tinawag na Professional Drivers License ay dapat nasa kamay ito ng mga tunay na professionals.
(5) Pang lima ay dapat na taasan ang multa ng mga public conveyance na mahuhuli na lumalabag sa aking mga suhestiyon na nabangit.
Mga Bwisit kayo na mga KORAP jan sa LTO at LTFRB . PWEEEE!!!! NALPAS!!!