Maniwala ka na mawawala ang korapsyon!!!

Nais ko pong linawin mga dear readers na isa po akong masugid na supporter ni Mayor Dudirty and ni incoming President Dudirty. Ikinampanya ko siya sa lahat ng aking mga kakilala, nakipag-debate ako kung saan ipinaglaban ko at parati kong sinasabi na si Mayor Digong Dudirty lamang ang siyang makapag-bibigay ng pagbabago. Bagama’t, hindi pa siya nanunugkulan kaya marahil ay maaga pa para husgahan natin siya hinggil sa kanyang pangako na patitigilin niya ang korapsyon sa loob ng 3 to 6 months. Ngunit, sa aking pananaw ay kahit na 6 years ay hindi niya ito mapapatigil. Ipaliliwanag ko ang aking basehan at dahilan kung bakit ko sinasabi na kahit na 6 years ay hindi niya mapapatigil ang korapsyon, at ang isang nakalulungkot ay pati na ang kanyang hard stance on criminality ay mabibitin din siya na ipatupad ito ng tama sapagkat hanggang laganap ang korapsyon na siyang ugat ay mahihirapan na sugpuin ang criminality.

Una sa lahat ay wala rin namang pagbabago sa Lehislatibo (Senado at Tongreso); parehas din na mga buwaya ang mga naka-upo, and in fact ang kanya pang bata na ilalagay as Speaker of the House ng Tongreso na si Pantaleon Alvarez ay siyang dating DOTC Secretary noong kapanahunan ni GMA na for at least 6 times ay hindi na-confirm ng Commission on Appointments (CA), kaya kusang nag-resign na lang dala ng kanyang pagkakasangkot sa multi-million dollar anomaly ng PIATCO deal. Ang PIATCO po ay ang kontraktor ng NAIA 3 kung saan dumaan na sa international court ang PIATCO deal at nanalo o kinatigan ng international court ang award sa Frapport ng Germany at pinagbabayad ang Pilipinas ng daan-milyong piso. Sa dinami-dami ba naman na pupuwedeng maging Speaker of the House, bakit si Alvarez pa na may bad record on corruption ang siyang ilalagay? Porke’t kabatak niya? Eh di tunay na trapo rin itong si Dudirty. Kahit halimbawa ay walang bahid ng korapsyon si Digong Dudirty, kung ang mga taong itatalaga niya ay mga kwestionable ang integridad, ay wala rin. PATAY NA!!!! Kaya sa hanay ng tongreso at sa mga senatongs ay malamang na malamang ay patuloy pa rin ang kanilang gana-gana na pork barrel, tawagin man ito na DAP, PDAF, CDF ang tawag nuong araw etc.., ito pa rin ang sinasabi na the same dog with a different collar.

Sa hanay ng hudikatura ay hindi naman hawak ni Dudirty ang Judiciary kaya inutil siya pagdating sa mga kaso sa hukuman at kasalukuyang korapsyon sa Judiciary. Ang magagawa lang marahil na pagbabago ni Dudirty ay ang sa Executive Department na kanyang hawak at marahil ay yaan ang kanyang gagawin na ehemplo, ngunit kung ang iyong mga gabinete ay katulad din ni Mark Villar para sa DPWH, aba eh patay na. Ano ngayon ang sinasabi niya na patitigilin ang korapsyon??? Ewan ko lang sa mga ibang cabinet secretaries na mga baguhan na may hawak ng DOTC, BOC, BIR, DAR, DA etc. Tingnan natin kung kakayanin nila at baka puros salita lang ang mga yan. Alam niyo naman yung kasabihan sa Ingles na “talk is cheap” ika nga. Laway lang ‘yan and the actual performance and output remains to be seen.

Sa hanay ng patayan ng mga kriminal, wala akong duda na pagpa-patayin nila ang mga kriminal sapagkat malakas ang loob ni Dudirty na kumatay ng mga suspected criminals kaya sa hanay ng pagpapatay ng mga kriminal kung saan marahil ay magkakaroon ng matinding human rights violations and derailment on the observance of due process of law ay tumpak si Dudirty jan.

Kaya balikan natin yung pangako na mapapatigil o mababawasan ang kriminalidad. Alanganin ako mga dear readers sa pangako na ito, na sa alam ko rin ay mapapako. Yes, mas gaganda kaysa sa kasalukuyang administrasyon ni Penoy ang kahihinatnan natin, ngunit sa palagay ko ay puros summary killings at salvaging ang siyang magaganap sapagkat katulad ng sinabi ko ay hindi naman hawak ni Dudirty ang lehislatibo at hudikatura.

Kung sabagay, sa dahilan na nais kong magkaroon ng isang positibong pananaw ang aking sarili at mambabasa ng kolum na ito, ipanalangin na lang natin na kahit mabawasan ng mga 50% ang lebel ng korapsyon at kriminalidad sa kasalukuyang lebel ay OK na OK na yan mga dear readers, at isang malaking salamat at saludo ang aking maibibigay kay mayor Digong Dudirty at masasabi ko sa aking sarili na hindi nasayang ang pag-kampanya ko at botos ko sa kanya.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages