May Galang Pa Ba Ang Pagiging Isang Miyembro Ng Medyas este Media???…

May Galang Pa Ba Ang Pagiging Isang Miyembro Ng Medyas este Media???
Malulusutan kaya ni APO Aliping ang bintang sa kanya na illegal logging?

September 27, 2014

May Galang Pa Ba Ang Pagiging Isang Miyembro Ng Medyas este Media???- May  galang pa ba ang maging isang miyembro ng Medyas este Media, itong  katanungan na ito ang  bumungad sa inyong lingkod itong nakaraang lingo mula sa mga inosenteng estudyante ng isang prestisyosong kolehiyo dala ng kanilang pagkabasa ng obserbasyon at batikos na aking ipinalabas hingil sa sistema nitong ABS-CBN Baguio. Hingil sa katanungan  na ito ay mayroon din  karagdagan katanungan katulad ng kapani-paniwala ba ang kasalukuyan lokal at nasiyonal na mga kawani ng medyas este media o puros lamang  mga bayarin at mga korap din ang kasalukuyan  medyas este media?  Bago ko ibigay ang aking opinyon hingil sa mga katanungan na ito ay nais ko munamg ikompara ang pagiging miyembro ng medyas sa katulad halimbawa sa institusyon ng kapulisan ang (1) Philippine National Police (PNP) o  katulad halimbawa sa organisasyon ng (2) Bureau of Customs (BOC) o di kaya sa organisasyon ng (3) Bureau Of Internal Revenue (BIR) o katulad halimbawa sa imahe ng mga na sa (4) Tongreso este Kongreso o sa imahe ng mga (5) Senatong este Senador o di kaya ang (6) Department of Public Works and Highways (DPWH) o ang (7) Department of Transportation and Communications (DOTC) . Kung aking ikokompara ang aking mga nabangit na organisasyon at bibigyan ko ng ranking ang pitong organisasyon na nabangit na mga national government offices and institutions ang sa aking palagay ay ang pinaka walang galang at walang kredibilidad ay ang mga sumusunod : 1-Tongreso, 2– Senadong, 3 – PNP , 4– BOC, 5– BIR, 6– DPWH, 7 –DOTC  at siyempre ang imahe o paggalang sa mga medyas kung ako ang tatanungin at aking bibigyan ng rangking ang mga medyas este media at press ay ang palagay ko na rangking ay  ang  katulad rin ng PNP o nasa numero tres (3) at nilalamangan lamang ng kasamaan ng imahe o pagka walang pag-galang ng mga tongresman at mga senatong. Kaparehas lang ng pagka sama ng imahe ang PNP ay ang mga Press at Media. Sa susunod kong kolum ay aking ipapaliwanag kung bakit at ano ang aking basehan sa aking rangking at sa susunod kong kolum ay akin rin gagawan ng rangking ang ibat-ibang mga local government offices sa siyudad ng Baguio.

####

Malulusutan kaya ni APO Aliping ang bintang sa kanya na illegal logging?- Na paka dali naman na katanungan ito .  Gusto nyo ba talaga na ibigay ko ang aking opinyon at nalalaman hingil sa isyu na ito ???????? Palagay ko ay hindi nyo talaga gusto malaman ang aking opinyon at nalalaman hingil sa isyu na ito sapagkat baka hindi ninyo matangap ang aking sasabihin at magagalit lang kayo sa akin! Kaya sa mga  panay ang text ng text sa akin na kung minsan ay mayroon pang halong pangu-ngutya ay hindi ko muna kayo sasagutin. Abangan ninyo sa susunod ko na kolum ang aking opinyon at masasabi hingil sa isyu na ito.  Hi! Hi! Hi!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages