Mga Heneral Pinahiya, Personalan Kaya!?

Ano ba naman itong si Presidente Dudirty, maraming mga mistulang pagbabago na nagaganap at kitang-kita naman ng dalawa nating mga mata na maraming sumusuko, maraming na sa-salvage na mga tulak daw ng droga at nakita na rin natin sa wakas na mayroon tayong isang pangulo na mukhang ipinatutupad ang kanyang mga binitiwang salita. Kitang-kita naman natin ang pagbubunyag ng pangalan ng mga limang heneral ng PNP. Yung tatlo sa kanila ay nasa aktibong serbisyo pa at ang dalawa ay retirado na. Kung bakit nga lang pati yung na sa pribadong sektor na si retired Heneral Garbo ay kanya ring pinangalanan – ito’y hindi ko maunawaan. Yung tatlo na nasa aktibong serbisyo, OK lang at yung isa na public official pa rin na siyang Mayor sa isang bayan sa Cebu ay OK rin, ngunit yung isa na kasalukuyan ay pribadong mamamayan ay kanya ring binanatan.

Ang mas nakapagtataka ay nang sabihin ng ating mahal na pangulo na dapat sila ay imbestigahan ng Napolcom etc… at ni hindi man lang siya nag-labas o nagbunyag sa atin ng matibay na ebidensya na siyang basehan ni Pangulong Dudirty kung bakit niya inakusahan ang limang mga Heneral?!

Ang tanong ko ngayon ay ganito, halimbawa ay na absuwelto ang mga ito o ang ilan sa kanila, paano na yung nangyaring tumbok na akusasyon na binitiwan ni pangulong Dudirty na isang napaka saklap at tindi na iligal na krimen? Paano na yung reputasyon ng pamilya at ng mga na-akusan sa isang napakatinding akusasyon? Ano ang gagawin ni pangulong Dudirty? Magbibigay ba siya nang kanyang sorry at nagkamali siya???

Para sa akin, ang dapat na tamang proseso na isinagawa ni pangulong Dudirty ay pinasampahan muna niya ng reklamo o kaso ang limang mga Heneral at saka niya ibinunyag sa atin ang kanilang mga pangalan. Alam naman natin na alam ni Pangulong Attorney Dudirty ang sinasabi na due process and that everyone is innocent until proven to be guilty. Eh ano yung zarzuela na kanyang ginawa, isang matinding PSYWAR?!?!? Para nga naman sabihin ng karamihan na, ayan o nakita naman ninyo kung mga Heneral binabangga kayo pa kaya!

Para sa akin ang pinakitang pagkilos na yaan ni pangulong Dudirty ay isang uri ng pinakamalaking KA-EPALAN !!! Anak ng )*&^%VJU%#&G mayroon ka namang dose-dosenang spokesman, mga miyembro ng gabinete, napakaraming mga medyas na siguradong pipick-upin ang isang napakatinding balita at issue kung sakaling nasampahan na ng reklamo ang mga Heneral na yan. Kung bakit ikaw pa mismo pangulong Dudirty ang kailangan magpabalita at ni walang ano mang reklamo na nasampa sa kanila. Ito ang isang NAPAKALAKING PALAISIPAN para sa akin. O BAKA NAMAN MAY PERSONALAN NA ANGGOLO AT MAS MALALIM NA DAHILAN ITO? ANONG PAL PALAGAY NINYO MGA DEAR READERS ??? PWEEE….

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages