Mga kombinasyon sa politika na niluluto?!?! (Mayor , Congressman, Vice Mayor)

Mga kombinasyon sa politika na niluluto?!?! (Mayor , Congressman, Vice Mayor)

Part 1
Sinu-sino nga ba ang tatakbo para Mayor ng Baguio ? Ayon sa ating chismosong impormante, of course ang incumbent na si Manong Morris at sasabak daw uli si Atty. Joemol Molintas at si Judge del Claraval. Para Tongressman este Congressman sasabak daw ay ang incumbent na si Apo Nicasio Aliping, former Mayor and Congressman Bernardo Vergara, Businessman Mark Go, Councilor Faustino Olowan (tutuo kaya o nagpapa-imports lang tong si Konsehal Ulo?) at si dating Mayor and Businessman Peter Rey Bautista. Para Vice Mayor, of course anjan si the incumbent VM Edison Bilog, Councilor Faustino Olowan (baka VM daw, ano ba talaga Mr. Ulo, VM ba o Tongresssman?), Coun. Poppo Cosalan, Coun. Ricahrd Carino, former Councilor and Businessman Tony Boy Tabora, former VM and now Councilor Lulu Tabanda samakatwid kung matuloy ito ay anim (6) silang mag babakbakan para Bise-Mayor, kung matuloy ang bakbakan na ito ay madugo itong labanan na ito para Bise-Mayor at lima (5) na talunan ang iiyak. Sa hanay nang pagka Mayor ay three (3) way fight at Tongressman este Congressman ay 4 way fight. Ayon sa aking chismosong impormante, sa kasalukuyan ay ikinokombinse ng ilan mga taong may mabubuting intensiyon (HA !HA! HA! ) na mag slide down na lang daw si Judge Claraval from Mayor to Vice Mayor, at kung mangyari yun ay isang battle royal ang ating makikita between Domogan and Molintas, dapat sana ay mangyari na ang isang one-on-one showdown between Domogan and Molintas ng mag ka alaman na kung sino ba talaga ang the better man for the job na kursunada ng mga tanga este taga Baguio. At siyempre naman para Tongressman este Congressman, malabo mangyari ang isang one-on-one show down between Aliping and Go sapagkat si Manong Bernie ay hindi naman natin pwedeng balewalain o ismolin sapagkat malaki pa rin naman talaga ang suporta ni Manong Bernie lalo na at may kwento-kwento ni Worthy Acosta na nadaya lang naman daw siya kaya hindi siya lumabas nung nakaraang eleksyon . Hi! Hi! Hi! Lahat naman kasi ng talunan sa pol-politiko ay nadaya ng nanalo. Hi ! Hi! Hi ! And of course anjan din si Peter Rey Bautista na mayroon din sariling mga supporters na hindi rin natin pwedeng balewalain o ismolin. Sa susunod kong kolum ay ang listahan, haka-haka at chismis para naman sa mga tatakbo o maglalakad para tongsehal este Konsehal ang aking tatalakayin. ABANGAN. Adios!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages