Mga Maka-Kaliwa, sinasamantala ang pagkamatay ng Transgender!!!

Mga Maka-Kaliwa, sinasamantala ang  pagkamatay ng Transgender!!!

VOL. XVIII  NO. 2 (October 18 – 24, 2014)

Nais ko lang linawin na ang nangyari kamakailan sa Olongapo City kung saan may pinaslang na isang Transgender (she-male o lady boy kung tawagin) ng isang sundalo (US Marines) ay siyang pinagpipiyestahan ng mga maka-kanan o yun sinasabing mga leftists groups at kung ano-anong bull-shit na ang kanilang ipinagsasabi hingil dito. Nais ko lang linawin na sa aking panananaw ay masahol na krimen (murder) ang siyang naganap at para sakin hindi mahalaga ang kasarian ng nilalang maging isa kang labakski (Vakla), Macho na babae (tomboyski) o ano man ang iyong gender, ang krimen na murder ay isang heinous crime na hindi dapat na isinasagawa. Ang tanong ngayon ay ano ang kinalaman ng Visiting Forces Agreement (VFA) at pati na ang Edca sa nasabing krimen? Ang sagot ay wala, eh bakit nag ra-rally ang mga UNGAS na leftists at kanilang nais ipatigil ang edca o ang vfa at palayasin ang mga amerikano sa ating lupain, bakit mas gusto ba nila na ang mga Intsik ang papalit ? Kung sabagay, ubod ang sarap ng Chinese Food, lumpia shanghai at pansit canton pa lamang ay ok na samahan mo pa ng birds nest soup , peking duck at kung ano –ano pang masasarap na chinese food aba eh walang sinabi ang hambolgel ng macdo. Hi ! Hi ! Hi ! Kaya ang masasabi ko lang sa mga leftists at maka-kaliwa na nag iingay jan at nag pro-protesta, mag ingay kayo hangang gusto ninyo at sasamahan ko pa kayo sa inyong pinaglalaban kapag sabihin ninyo sa akin na kaya na natin mga Pilipino na ipagtangol ang ating mga teritoryo (sovereignty) na pilit na inaangkin ng mga Instsik. At sa usapin ligalidad na nararapat lamang na ang akusado na sundalo ay sa atin ma-detain habang linilitis ang kaso ay hindi rin ako sang ayon dito, bakit ka ninyo? Eh tignan naman ninyo ang nating mga detention cells o kulungan , aba eh masmaganda pa ang kulungan ng baboy. Hindi ba ang isang akusado ay innocent not until proven guilty, eh akusado pa lamang eh ikukulong nyo na sa isang selda na parang baboy koral na kung saan ang sekuridad ng akusado ay hiindi nyo pa magagarantiya! Magpagawa kayo ng ma-ayos na detention cell with a full proof guaranty of security at saka ako sasang-ayon na asa atin dapat na ma detain ang akusadong kano! Kung tutuusin nga ay ang ganda ng ginawa at ipinakita ng mga kano sa insidenteng ito kung saan nung nangyari ang krimen ay wala sila ni isang barko na ipinayagang lumakad para ng sa ganoon ay tunay na hindi maka eskapo ang akusado, hindi ba napaka gandang show of good faith yuon! Isipin ninyo na tenga ng ilan araw ang lakad ng ilan libong mga sundalo para lamang tiyak na hindi maka-alpas si sundalong kano na akusado! Kaya mga leftists na maka-kaliwa na Kiao-Kiao ng Kiao-Kiao, kung masyado kayong maingay at ayaw ninyo ng kasalukuyang demokratikong istilo ng America na sinasakyan ng ating bansa, ang aking ma ipapayo sa inyo ay mag defect o di kaya ay mag migrate na kayo sa lunga ni Kim Jong Un sa North Korea at dun kayo mag rally at mag-protesta. Hi ! Hi !Hi ! AGA AMO TAYON !!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages