Mga Opisyales na kontsaba sa Illegal Logging!!!
May Jueteng daw at iba pang mga sugal sa Munisipyo ng Itogon???
Volume XVII NO 27 (April 26 to May 2, 2014)
Mga Opisyales na walang pake sa Illegal Logging!!!- Talaga nga naman oo, napakarami sa ating mga kasalukuyan opisyales jan sa DENR at sa PNP ang ubod ang tatanga at ang bobobo, AS IN BOBO-BOBO-TANGA & TANGA, at bakit ko naman nasabi ito? Para sa konting halaga, konting kwalta sila ay nagpapalusot at sumasama pa kung minsan sa mga lakaran ng mga illegal loggers. Hindi po ba kabobohan at katangahan ang tawag sa isang taong nag bubulag-bulagan, kumokonsente at sumasapi pa kung minsan sa mga illegal loggers? Hindi ba alam ng mga UNGAS na ito that it takes 50 years for a tree to grow and only 5 minutes to cut it down! Hindi ba alam ng mga ito ang importansya sa ating kalikasan ng mga puno, maging sa prevention of soil errosion, clean air etc…, at sa kabuuang ecological balance na idudulot ng puno na kakailanganin nang mga mga susunod na henerasyon , maging ang ating mga anak, apo at iba pang mga mahal sa buhay . Eh bakit kaya para sa konting kwalta, itong mga desperadong mga taga DENR, CENRO, PROSECUTONGS este PROSECUTORS at mismong HUES (Mahistrado, Judge) ay nagpapalusot ng mga UNGAS na illegal loggers? Katawa –tawa pa nga sapagkat yun isang opisyales ng PNP may kapatid pa mismo sa Cenro na isa rin Fortester, ikaw talaga bata, sinabihan ka na at kinausap ka na, na huwag ka maging protektor, ngunit sa kakitiran ng iyong utak at kasuwapangan mo ay wala kang pinalalampas dala lamang ng OPM (O Promise Me) sayo ng kahonchaba mong illegal logger. Yun isa naman opisyales ng Militar na kakonchaba rin ay nagtapos pa sa isang prehistosyong akademia na supposed to be ay ang mga nagtapos dito ay hindi kasing kitid mo ang utak, Oh – Y, Oh – Y, bakit kayo ganyan Lt. Col??? Kung sabagay hindi na natin kailangan pang isipin kung bakit ganyan ang mga opisyales na ito, kung sabagay ganuon sila katakaw at ka desperado para sa konting kwalta!!! Ngunit sigurado ko na aking masasabi na hindi nila mahal ang kanilang mga anak, apo etc.., sapagkat kung mahal nila ang mga ito ay magkakaruon sila ng malasakit para sa mga susunod na henerasyon, eh ang problema ay wala silang ni katiting na malasakit sa mga susunod na henerasyon. Kaya kami sa Linis Gobyerno, mayroon kaming naisip na sa aming palagay ay posibleng maging isang epektibong solusyon para sa mga UNGAS na konsintedor at protektor ng mga illegal loggers, abangang ninyo at antayin ninyo kung magiging epektibo ang ating mga naisip na solusyon at akin rin ihahayag sa kolum ko na ito and of course sa online network natin on environmental welfare and concerns kung saan ipinararating natin ang mga karumaldumal na aksyon ng mga opisyales na ito. MABUTI NA LANG AT WALA AKONG ALAM NA MGA GANITONG URI NG OPISYALES SA BAGUIO AT CAR SAPAGKAT ANG AKING KUWENTO AY TUNGKOL SA IBANG LUGAR!!! Hi! Hi! Hi! AGA AMO TAYON!!
#####
Attention P/Chief Insp. Fernando Botangen, Chief of Police Itogon, Benguet– Sir, as the concerned PNP Official, mayroon kaming mga concerned members who happen to be residents of Itogon, Benguet na nagparating sa amin na laganap daw ang operasyon (kobrahan) ng Jueteng sa iyong munisipyo, tutuo ba ito Major? Apo, sana naman ay hindi ito tutuo, sapagkat tunay na nakalulungkot ang ganitong sitwasyon kung saan patuloy ang isang operasyon ng iligal na pasugalan! Maliban pa sa Jueteng ay, mayroon pa raw mga ibang pasugalan na katulad ng drop ball ? Ay naku Apo, I hope na haka-haka lang ito at walang basehan. Pero huwag kayong mag alala APO, padadalhan namin kayo ng supporting research hingil dito kung tutuo nga na mayroon nagaganap na kobrahan sa iyong Munisipyo at ating aantabayanan ang iyong magiging aksyon kung mayroon man kayong gagawing aksyon, and if there is no action on your part you can rest assure na ipararating namin ang aming research and documentation sa tangapan ni PDG Purisima, Napolcom at sa OMB for the Military! Walang personalan SER , ika nga ng adviser namin na si Manong Bungo!!!