Mga Sikat na Police Major at Military Kernel !!! Happy Birthday Sir !!! Korap kaya ang CENRO ?!?
VOL. XVII NO. 23 March 22 – 28, 2014
Happy Birthday Sir !!!- Bago ang lahat ay nais ko munang batiin ng isang malaking HAPPY BEERDAY este HAPPY BIRTHDAY si MR. JIMMY ABUEDO na siyang Chief Flying Squad Mobile 10 LTO Central Office, san ba natin icecelebrate ang inyong kaarawan sa March 31 (hindi ko na ilalagay ang taon kung kelan kayo pinanganak ) pero sa aking pag kakaalam ay taong 1969 siya ipinanganak. Hi! Hi! Hi! Happy Birthday APO, may you have many more Beerdays este Birthdays to come !!!
####
Korap kaya ang CENRO ?!?-Ano sa palagay ninyo mga dear readers, kayong nagkaroon na ng mga karanasan sa ating kagalang –galang na CENRO Baguio na si Edgardo Flor na sa palagay ninyo mga dear readers KORAP KAYA SIYA o isa siyang maayos na public servant? Nakalulungkot sapagkat mayroon tayong mga impormasyon na nakakarating sa atin hingil sa mga galaw ng ating kagalang-galang na CENRO Flor na siya daw ay ganito at ganoon at ^%$&*9&@??’;ngunit siyempre hindi naman tayo basta-basta nagpapaniwala sa mga kwento-kwento at impormasyon na ipinararating sa atin kaya ang inutos ko sa ating mga ka kosa este kasamahan sa LG at sa Pahayagang ito ay magsagawa muna sila ng more indept and detailed research and verification hingil sa maraming mga impo na ipinarating sa atin at kapag may pruweba ay no problem, garantisado 100 % na atin siyang sasampahan ng reklamo sa mga kinaukulan opisina (DENR, OMB, CSC) maging administratibo o criminal complaints na dapat natin isampa. Ang maganda pa nito ay mayroon tayong bagong volunteer legal counsel na Makati based na isang batikang –de campanillang Abogago este Abogado (Jok Onli Atty. Y) na ang kanyang law office ang sasagot at bahala na sa mga gastusin at abala sa pagsasampa at paglilitis ng reklamo, kung baga ang iisipin na lang ng grupo ay ang FOR THE BOYS!!! Hi Hi Hi. Abangan ninyo mga dear readers ang mga napipintong mga exposes hingil sa CENRO Baguio!!!
####
Mga Sikat na Pulis at Military!!!-Hay-Yay-Yay, talaga naman ang buhay nga naman. Mayroon mga impo hingil sa isang Kernel (Lt. Col.- Long Hair) na nakadestino sa isang tanyag na kampo ng militar na nakikisawsaw sa mga iligal na pagputol ng mga puno at land grabbing. Hi ! Hi ! Hi ! Maliban pa sa Kernel na ito ay mayroon din isang Major ng Pulis na ganuon din ang kina-sasawsawan ay ang iligal logging at siya ay pangunahin protektor sa pagputol ng mga puno at land grabbing. Hi ! Hi ! Hi ! Kayo talagang mga MOKONG KAYO, siguro sa isip-isip ninyo ay puros Tanga at Inutil ang mga taong naka paligid sa inyo at ang mismong mga may-ari ng lupain na nais ninyong sawsawan sa land grabbing at Violation of PD 705 ay puros Tanga at kayo lang ang magaling ano, siguro sa palagay ninyo kayo lang ang anak ng Diyos ano ??? Kerful-Kerful- baka may mga tuma-timing lang jan sa mga nakapaligid at kapag na-chambahan kayo sa inyong mga katarantaduhan maging sa inyong mga tangapan at nag ka pruweba ay hindi kayo lulubayan at pati na mga career ninyo ay ma-lilintik pa ?!?! Nag papaniwala kasi kayo sa isang Mistisong Bangus Na Sabit Lang Na Desperado Na Patay –Gutom na nag gagaling-galingan, at para kayong mga ungoy na pinatatalon, TALON NAMAN KAYO!!! Sa mga nag tataka kung taga saan lugar ang mga magagaling na Military Kernel at Pulis Major na ito aba eh hindi sila taga CAR, sila ay taga ibang lugar sa Asia, ngunit sa takdang panahon ay ibubunyag din natin kung sino ang mga sikat na ito para sa kaalaman ng lahat. Kaya lang sa alam naman ninyo sa istilo natin ay bago tayo mag expose o magbunyag ng mga pangalan ay kaso at reklamo muna ang ating isinasagawa, para mag exercise ang kanilang mga bulsa. Hi ! Hi ! Hi ! . Mga MOKONG KAYO, imbisna kampihan ninyo ang mga na-aapi at tunay na mayroon karapatan at katwiran sa lupain ay inyo pang pinag-sasamantalahan. PWEEEEE……….