Chief Bato pang FAMAS talaga – Bilib na bilib talaga ako sa mga PMAyers, magagaling talaga ang training nila sa academy. Palagay ko itong si Chief Bato Delarosa ang nag number one pagdating sa acting and drama class. Wala talaga akong masabi sa galing ng kanyang istilo na mayroon pang paiyak-iyak at ito ay kayang kaya niyang gawin right in front of national TV. At least dahil sa kanyang ipinakitang galing at talino sa acting ay makatitiyak tayo na kapag nag-retiro itong si Chief Bato ay madali siyang makakagawa ng career sa showbiz. Calling on Mother Lilly Monteverde and Director Joel Lamangan, paki sama na sa inyong listahan si Chief Bato at kung maaari ay padalhan na ninyo ng mga script for his review. Hi! Hi! Hi!
Nalpas!
####
Mga Tongressmen nakakahiya, walang mga modo- Anong signal daw umabot ang kanilang pagmamahalan ni Dayan at Delima, ayon sa isang tanong ni Cong. Farinas. Kailan daw ang climax, ayon daw sa isa pa na tongressman; at nag tula pa ng malalim na Pilipino ang isa pa na tongressman at marami pa na mga katawa-tawang mga pagtatanong at komento ang ating narining nitong nakaraang hearing sa kongreso. Napakalaking kagagaguhan, katarantaduhan, katangahan at kahihiyan ang naganap sa 8 hours na questioning ng mga supposed to be ay highly educated na mga mamababatas. P _ _ _ _ g I _ _ ninyong mga nagsagawa ng mga walang ka-kwenta-kwentang katanungan at komento!!! Kayong mga hinayupak na hindi na nahiya sa sambayanang Pilipino. Ipinakita lang ninyo na kayo ay walang modo! Ang tanong ko ngayon ay, nalinawan ba tayo hinggil sa drug trade sa Bilibid? Ang sagot ay –Hindi! Nalinawan ba tayo sa mga akusasyon ni Peluka Aguirre hinggil sa diumano ay mga suhol na tinanggap ni Delima? Ang sagot ay – Hindi! Pero nalinawan tayo na 7 years silang nagkaroon ng relasyon at magkasama sila sa isang bubong at sila ay nag live in. Isang napakalaking kahihiyan ang isinagawa ng mga PERA-PERA lang na mga TONGRESSMEN na ito. Kaya sa mga susunod na hearing na live telecast, MAG SIP SIP B_ _ o pa kayo more sa inyong haring D.
AGA AMO TAYON!#