Mocha Uson sinama sa ME- insulto daw sa mga Muslim!!! Abu Sayaff kelan lalapag sa Luzon???

Ano ang sa palagay ninyo mga dear readers, hinggil sa pagsama ni PDigong kay Mocha Uson sa Middle East katulad ng Saudi Arabia na alam naman natin ay napakahigpit ng kanilang mga batas pagdating sa mga kababaihan at sa moralidad? Katulad halimbawa sa Saudi Arabia ay bawal sa mga kababihan ang magmaneho ng sasakyan at siyempre ay marami pang mga bawal, and in fact ay usong-uso pa sa Middle East ang arranged marriage kung saan ang pakakasalan ng isang babae ay posibleng pinag-uusapan ng kanilang mga pamilya o yung sinasabing arranged marriage. Kung sabagay ay may punto ang nakapuna at nagkomento na sa dinami-dami naman ng babae na pupuwedeng isama ay kung bakit si Mocha Uson pa ang isinama at para bagang ito ay isang malaking insulto sa mga Muslim sa Middle East. Bakit ka ninyo? Una sa lahat ay si Mocha Uson ay isang dating soft porn star at sex guru na kung saan ay makikita naman natin ang kanyang mga video hinggil sa kanyang supposed sexpertise, Hi! Hi! Hi! Ang mga ganitong bagay ay mahigpit na tinututulan sa Middle East at sa paniniwala ng ating mga kapatid na Muslim, at kung tutuusin ay sa mga gawain ni Mocha na ganuon ay binibitay at kinakatay maaring through stoning etc… sa Middle East. Kaya hindi ko rin maisip na kung bakit nga ba sa dinami-dami ng babae na pupuwedeng isama ni PDigong ay si Mocha Uson pa ang isinama? Kung ang lakad ay sa mga modern western countries katulad sa Netherlands, UK at US ay OK lang si Mocha ngunit sa mga konserbatibong bansa katulad ng Japan, South Korea at sa mga Middle Eastern countries ay hindi welcome ang isang Mocha Uson. Ayos lang si Gobernador Imee at si Sandra Cam sapagkat wala silang bahid ng ganung klase ng sexual immorality, hindi katulad ni Mocha. Hindi ba naisip ni PDigong at nang kanyang matatalinong advisers na isang malaking inusulto ito sa mga Muslim at lalung-lao na sa mga host countries na pupunatahan nila?!?!

####

Umabot na sa Bohol ang mga Abu Sayaff kaya ang tanong ngayon ay kelan sila lalapag o makakarating para magkalat ng lagim sa Luzon? Ayon sa ipinamamalitang intel report daw o pawang spekulasyon lamang na walang basehan ay ang Maute Group na isa ring grupo na katulad ng Abu Sayaff ay nasa Metro Manila na raw. Tutuo kaya ito? Makaaasa kaya tayo ng distablisasyon at sari-saring teroristang kaganapan sa Luzon na magpipilit at magiging rason para mag-deklara si PDigong na Martial Law??? Nagtatanong lang po.
Happy Easter nga pala sa aking mga dear readers!!! #

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages