Na -rappler ang Rappler – Alam naman natin mga dear readers na maraming mga pausong salitang slang o kabaliktaran ang nauuso ngayon katulad ng Petmalu o Malupet, Lodi o Idol, etc. Kung sabagay ay noong kapanahunan namin ay mayroon ng mga ganitong istilo o style ng slang na na-uso na nuon pa katulad ng Lonta o Pantalon, Tapwe o Singkwenta, Amat o Tama, etc.
Ngunti kamakailan lang ay mayroong isang napausong isang slang na salita na siyang tunay na slang para sa salitang nabutasan. Dapat sana ang salitang slang katumbas sa nabutasan ay tasbu ngunit hindi yuon at ang naging katumbas na slang para sa nabutasan ay “na-rappler”.
At ganyan talaga lamang ang nangyari sa Rappler, ang media outfit na nagpapahayag ng katotohanan at madalas na kontra sa admistrasyon. Siya ay na-rappler este nabutasan lamang. Bakit ka ninyo? Eto ngayon ang aking ilang katanungan: [1] Kung tunay na mayroong violation sa SEC rules ay nararapat ba na ganuon ka-drastic o ka petmalu ang maging sanction ng SEC na cancellation agad ng certification? [ 2] Bakit walang mabigay na ehemplo ang SEC na nagkaroon na ng ganitong precedent o mga naunang kompanya na kanilang ginanyan (Cancellation of Certification)? Ibig bang sabihin ng SEC na sa daan-daang libong kompanya ay ang nabutasan este ang Rappler pa lamang ang unang nagsagawa ng ganitong violation? [3] Bakit ang ibang mga media entities katulad rin ng GMA at TV 5 ay mayroon din PDRs o Philippine Depository Receipts, o bakit sila hindi pa na-rappler este nabutasan?
Kaya sang-ayon ako sa panananaw ng karamihan na medyas este media na ang Rappler ay ginawang ehemplo ng kasalukuyang administrasyon para ipakita sa lahat na magingat kayong mga kawani ng medyas este media na kokontra-kontra g matindi sa adminsitrasyon ay lintik ang aabutuin ninyo! Kaya kayong mga MEDYAS, mag-ingat at baka kayo mabutasan este ma-RAPPLER. Hi! Hi! Hi!
####
Go Go Go Cha –Cha– Alryt OK, palitan na ang kasalukyang saligang batas, Cha-Cha na Go Go Go. Eto daw ang ipapalit sa kasalukuyang sistema – na magkakaruon ng Presidente at 200 na Senatong na halal ng bayan at ang lahat katulad ng mga Tongressmen (400 daw) at Prime Minister ay puros appointed ng Pangulo. Ang office of the Ombadman daw ay bubuwagin at pati na rin ang CHR, etc. Hi! Hi! Hi! At hindi lang yan, kapag na-aprub na ang Cha Cha ay magkakaroon ng 10 years transition period kung saan ang mga kasalukuyang naka-upo ay mananatili ng 10 years! DYOS KO PO POR SANTO! Ano bang klaseng kahibangan at kakapalan na ng mukha ito mga TONGRESSMEN? Kaya sige Spikar Batibot “Supot” Albaris ipatuloy mo lang ang iyong gusto ng matikman ninyo ang galit ng mamamayan. !!! Go Go Go Cha Cha Na! Now Na!