Nakakatakot ang nagaganap na matinding problema sa west Philippine Sea!!!

Nakakatakot ang nagaganap na matinding problema sa west
Philippine Sea!!!

Sa kasalukuyan ay dapat lang na tunay na mabahala ang lahat ng Pilipino hingil sa nangyayaring pag aangkin at pagpapatayo ng China ng mga base military sa disputed west Philippine sea of south China sea. Sa kabilang dako naman ang kasalukuyan problema ng Muslim extremism o yun mga teroristang muslim na mismong andiryan lang sa Mindanao na anytime ay pupuwedeng lumipat sa bisaya at sa Luzon anytime ( sa susunod kong kolum ay aking tutumbukin ang hingil sa mga muslim extremists). Unahin ko munang tumbukin kung gaanong ka seryoso ang isinasagawa ng mga intsik hingil sa pagpapatayo ng base militar. Ito ay ubod na sersoyo hingil sa ating seguridad at kapakanan- ekonomiya, tunay na isang world class military and economic power na ang china at kahit na anong ingay pa sa fecebook, on-line at pag mamartsa ang gawin ng mga kumukontra dito at puros lamang ito kiao-kiao, tignan nyo ang nagyayari sa hong kong. Sa aking palagay ay mas makabubuti ng mag negotiate sa mga intsik with the international community as our supporter ng mapayapa hingil sa kung paano tayong lahat puwedeng makinabang sa maidudulot na economic benefits ng isang mutual economic development agreement na makakamit ng ating bansa sa pag develop ng west philipppine sea. Samantalang ang kasalukuyan resulta ng paghahabla ng Pilipinas sa UNCLOS ay hindi rin naman papansinin ng china, so ano pa ang isasanga natin sa mga intsik, ang pansit canton o lumpiang shanghai?! Sa kasalukuyan ay wala akong nakikitang isang lider liderato ng gobyerno o boses na mayroon bayag at kagalang galang ang stature na kayang tumapat sa mga intsik, kaya tayo pinagtatawanan lang ng mga intsik. Maraming magaling lamang mag-ingay, ngunit puros ingay lang at kiao-kiao mga yan at tanuning mo sila kung handa silang ibuwis ang kanilang buhay para ipaglaban ang ating sovereignty o sumuporta man lang ng pinansiyal sa kasalukuyan laban?!?! Nang sinubukan ng mga instsik ang Japan sa isa rin nilang disputed Japanese island, pinakita ng mga hapon na kakasa sila, ng kinanti ng mga intsik ang isang fishing vessel ng Vietnam pinakita ng Vietnam at tinakot nila at piñata pa ang mismong ilan intsik na nasa Vietnam, eh ang Pinoy, matagal ng kinakanti at sinusubukan eh anong ginagawa – WALA, KAIN LANG NG CHINESE FOOD SAPAGKAT MASARAP!!! At dun naman sa umaasang tutulungan tayo ng amerika o estados unidos , aba , nananaginip kayo ng gising. US visa nga lang para tayong tangang mga Pinoy na nagpapakahirap at nagbabayad ng malaking halaga for visa fee para sa wala, samantalang ang Japan at South Korea ay mayroon visa waiver kaya anytime pwede silang pumunta sa US. Ang gagawin ng amerika sa kasalukuyan west Philippine sea dispute at the most ay magiging neutral sila sa usapin na ito, at bakit? Op kors, sa laki ng utang ng amerika sa mga intsik, ilan trillions na nga ba ito, not billions of dollars but trillions ( 3 trillion na ata). Saan ka naman nakakita ng isang taong mayroon malaking pinag kakautangan at patuloy na nangungutang ang mangungunang makikipag away sa isang nagpapautang sa kanya? Sa usapin ng regional security, alang problema sa mga kano sapagkat anjan lang naman sa tabi-tabi ang kanilang mga aircraft carrier etc…, at ang kanilang mga base sa Guam kaya no problem para sa kanilang sekuridad. Ang hindi na lang babanggain ng China sa ngayon (sa kasalukuyan-for now) ay ang Japan sapagkat matindi ang kamandag ng Japan (economically speaking), ngunit ang Pinas ay isang dispensible saling pusa sa mga usapin na ito. Masakit man tangapin ang katotohanan ngunit yan ang katotohanan na mismong ang ating sarili rin ang nag hain nito at pumayag na maging isang saling pusang walang galang sa international community ang mga Pinoy .

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages