Talaga naman itong si Grace Poe, oo. Ang ganda na at ang ginhawa na ng kanyang buhay sa West Virginia sa USA bilang siya na isang housewife and mother to her children, eh kamalas-malasan naman at biglang yumao itong si Da King Fernando Poe kaya tuloy napilitang bumalik itong si Grace.
Ngayon ang tanong ay, bakit gugustuhin ng isang US citizen na may isang maganda at maginhawang buhay sa Amerika na bumalik at manirahan sa Pinas at lalo nang sasawsaw pa sa pol-politika sa Pinas na ubod ang gulo, ubod ang dumi etc? Ang hirap isipin Poe ano? Alam naman natin kung gaano kagulo ang buhay ng pol-politiko, bakit o bakit Poe, Madam Grace?
Kayo Poe, mga dear readers ano sa palagay ninyo ang dahlian kung bakit Poe ang isang Grace ay mag-nanais na sumabak sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno? Alam Poe ninyo sa aking pagkakakalam ay hindi naman lahat ng nilalang ay uobra sa politika katulad din ng hindi lahat ng tao ay pu-puwede maging negosyante o maging kung anu-anong propesyon. Ngunit, hindi ko lubos maisip na ang isang nilalang na mayroon ng isang matiwasay, maginhawa at maayos na buhay at pati na ang pinansiyal na aspeto ay nanaising paguluhin pa ang kanyang buhay sa pag pasok sa politika.
Maaaring si former American citizen Grace ay natauhan at nag-nanais na manilbihan sa sambayanang Pilipino dala ng kanyang sense of nationalism and patriotism. Palagay n’yo Poe mga dear readers? Kaya nga lang kung yun ang dahilan ay hindi na sana siya naging isang Kano o American citizen. Sa ngayon, para matigil na ang aking mga katanungan at mga haka-haka at ng akin na ring matuldukan ito ay ako na mismo ang sasagot sa aking mga katanungan at huhusgahan ko na kung ano ang motibo ng pagnanais ng isang Grace Poe na sumawsaw sa isang propesyon na ubod ang gulo.
Sa aking pananaw ang kadahilanan ay simple lang at yuon ay POWER AND MONEY o KAPANGYARIHAN AT KUWALTANG MALAKI!!
Sa susunod kong kulom ay aking ipagpapatuloy ang tungkol sa matindi at nakakatakot na ambisyon ni Grace Poe.