Laglagan sa DENR, ganun-ganon na lang ba yun? – Kailan lang ay may nakarating sa ating info na mukhang mayroong isang dating empleyado ng DENR (sa land titling) na mukhang gagawin nilang fall guy at siya ay kanilang ilalaglag. Kung sabagay ay retirado na ang mokong na empleyado na surveyor-employee na yuon, ngunit ang amo niya ay hindi pa naman retirado. Tunay na nakakatawa ang mga gunggong na ito na akala nila ay ganun-ganon lang na ilalaglag nila ang kanilang kasamahan samantalang kasama rin naman sila sa sindikatong nag-approve ng titulo. Bakit ano na naman ang pasulot este palusot mo hepeng Bugok? Presumption of regularity at ministerial lang ang papel mo sa pag-approve? Eh bakit marami kang mga alanganin na in-approve? Isang paalala lamang sa inyo diyan, baka nakakalimutan niyo na yung kasabihan na- “People Who Live In Glass Houses Should Not Throw Stones”!!! Akala mo kung sino kang malinis diyan!!! PWEEEE!!!
####
NCIP – May saysay pa ba o dapat ng buwagin – Katulad ng unang impormasyon na aking inilabas nung nakaraang kong kolum ay hinggil sa mandato ng NCIP, at kung kanila itong naisasatupad ng tama at maayos. Kung ang magiging basehan natin ay ang kamakailan lamang na good news at mukhang isang win-win solution hinggil sa naging stand off sa Bakun Hydro Power Plant ng Hedcor at ang mga katutubo na mayroon interes sa nasabing lugar ay maari nating masabi na may saysay pa nga ang NCIP at dapat pa na palakasin pa ang kanilang opisina para sa kapakanan at proteksyon ng mga kapatid nating mga IP. Ngunit sa kabilang banda, ano naman kaya ang masasabi ng IP na mga taga Benguet, partikular dito sa mga taga Baguio, Itogon, Sablan, etc. satisfied at kontento kaya sila sa mga nakaraang pinuno ng NCIP at kontento kaya sila sa kasalukuyan namumuno na si Atty. Marlon Bosantog? Eto ngayon ang mainit na katanungan – kontento kaya ang mga IP sa Baguio at Benguet (majority are Ibalois when referring to Ancestral Land Claimants) sa performance nitong si Atty. Bosantog? Importante at mahalaga ang katanungan na ito sapagkat kung hindi maganda ang imahe ng pinuno ng NCIP ay hindi rin magiging maayos at epektibo ang pamamalakad at relasyon ng NCIP RD at ng kanyang mga kliente. Base sa aking pagsisiyasat ay marami sa mga IP ang nag-komento na bitin na bitin sila sa ilang mga nakaraang Director na namuno sa NCIP. Base sa aking inisyal na pagsisiyasat ay aking napag-alaman na ito daw si Atty. Bosantog ay dating empleyado ng office of the Solgen o Solicitor General at naka-pirma pa daw siya sa ilang mga reklamo na kontra at laban sa adhikain ng mga IP ng Baguio. Sa aking pagkakaintindi ay ang office of the Solgen ay ang mga abogago este abogado ng estado o ang interes ng estado ang kanilang dapat na protektahan kaya marahil ay hindi natin masisi kung kaya’t nakapirma itong si Atty. Bosantog sa ilang mga dokumento na kontra sa mga paniniwala at adhikain ng mga Baguio Ancestral Land Claimants. Nais ko lang linawin na hindi ako tagapagtanggol nitong si Atty. Bosantog at katunayan ay hindi ko pa nakapanayam ang atorni na ito.
Para sa akin, ang mas malaking katanungan ay bakit si Atty. Bosantog ang siyang tinalaga sa posisyon na RD ng NCIP sa dinami-dami ng mga government positions!!! Wala kayang conflict of interest sa kasalukuyan niyang posisyon dala ng kanyang pinaggalingang opisina? Why o why at siya pa ang ginawang pinuno ng NCIP-CAR? Most certainly hindi lang naman yung pagiging isang IP ang rason at marami din namang mga professional IPs ang kuwalipikado na maging RD ng NCIP-CAR. Sino kaya ang kanyang baker o mga baker (kung meron man)? Nagtatanong lang Bosing MD. Sino kaya ang kanyang padrino o mga padrino (kung meron man)? Nagtatanong lang ulit Bosing MD. Ilan lamang ito sa ating mga katanungan na bibigyan natin ng liwanag sa mga darating na isyu ng pahayagang ito. Kaya for now its Hasta La Vista Amigos y Amigas!