>OK lang menosen niyo ang Junction!!! >Pumupunta ng giyera, walang dalang bala!!!

Nakakatawa talaga at nakalulungkot ang iba sa ating mga lokal na kandidatong tumatakbo na para bagang sila ay mga masokista. Meron diyan nagko-komento na hindi kailangan mag pa ads sa pahayagang ito sapagkat kakaunti lang naman daw ang nagbabasa nito. Ang mga iba naman ang katwiran ay wala raw silang budget o pondo para sa ads. Ang mga iba naman ay as a group (grupo) daw sila nagpapa-ads, at kung anu-ano pang iba’t-ibang mga palusutan blues.

Gusto kong talakayin ng punto por punto ang ilan sa mga komentong pinarating sa akin ng aking mga kasamahan sa pahayagang ito.

Una sa lahat, ang pahayagang ito, tuwing election bi-weekly issues, for the past 5 elections ay ipinamumudmod ng libre sa mga pila ng jeepney atbp, para masiguro natin na makakarating sa mga tanga este taga Baguio ang mga issues na dapat nilang malaman, lalong lalo na ang sinasabing mga bagay-bagay na masasabing gusto nilang manatili as skeletons hidden in their closets.

Pangalawa, ang printing natin ay hindi bumababa sa 10,000 copies or kung minsan depende sa mga sponsors ay pwede pa umakyat hanggang 15,000 copies or more per issue at 2 times a week. Kaya sa palagay ninyo, kayong mga BOBONG MGA KANDIDATO ANG MAG ISIP??? Halimbawa ay sa pag a-advertise ninyo sa amin ay nadagdagan kayo ng kahit na 5% or 10% lamang (500 – 1000 votes) dala ng ating mga write-ups or ads ninyo sa ating pahayagan, hindi ba at tulong din yan para sa inyong pagka-panalo? Kaya patuloy ninyong menosin ang pahayagang ito sapagkat, ang prinsipyo ninyo in politics is division and not addition. Hi! Hi! HI!

Pangatlo, kung isa kang kandidato at tatakbo ka na wala kang pondo ay wala kang pinagka-iba sa isang sundalong pupunta sa giyera ng walang dalang baril o kulang ng bala. Isipin mo naman Mr. or Ms. Candidate, mayroon kang tatlong taon para sa iyong preparasyon, at kung hindi mo nakayanan, eh kung kapos ka pa rin ng pondo mas mabuting, huwag ka ng tumakbo ng hindi ka mag-mukhang pulubing nag pupumilit na pumasok sa isang 5 Star Hotel o isang trying hard. Alam naman natin na ang pag-takbo para sa isang politikal na posisyon ay nangangailangan ng pondo, maging sa Estados Unidos (USA) ay kailangan ng mga campaign donors kaya atras agad ang mga kandidato kung wala na silang mga campaign donors. EH, MGA IBA SA INYO ANG TATAPANG NG APOG AT NAG PUPUMILIT TUMAKBO KAHIT NA WALANG PONDO. Bakit, kayo ay nangangarap na ma-gagantso ninyo ang mga botante ng wala man lang kayong sapat na gagastusin para mahahalal kayo??? Bakit kaparehas ba ninyo ang kalibre ni Money este Manny Pacquiao??? AGA AMO TAYON!!!

Kaya ang payo ko sa inyo, habang maaga pa lamang at nang tuluyan na kayong hindi mag-mukha na dakilang masokista ay, umatras na kayo sa laban at i-paubaya na lang ninyo ang pangangampanya sa mga kandidatong SERYOSO na may sapat na resources o bala, ng hindi kayo maging katawa-tawa at maging Mister o Miss Dakilang Palusutan Blues!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages