Mayroong iba’t-ibang katarantaduhan na istilo ang iba’t-ibang nilalang na nasa kapangyarihan, mga pol-politiko, mga nasa gobyerno atbp. [1] Mayroon yung istilo na kunwari tulog. Bagama’t mayroon tayong kasabihan na mahirap o malabong gisingin ang isang taong gising, marami sa kanila ay nag tutulug-tulugan lamang. [2] Mayroon yung istilo na kunwari ay hindi niya alam ang mga kaganapan hinggil sa isang bagay ngunit siya pala yung isa sa mastermind kaya sadyang nagtatanga-tangahan lamang ngunit sa totoo lang ay alam niya ang punot –dulo ng isang issue o bagay. [3] Mayroon din naman yung istilo na usong-uso sa ngayon (ang istilo na ito ay bunga ng bulok na istilo 1 at 2) ay may katagalan ng uso at ito iyon ay ang sinasabing pera-pera lang at walang kama-kamag-anak o kailyan, wala yan basta’t pera ang pinag uusapan. DIYOS nila ang pera, ngunit marami sa mga iyan ay mga ubod ang ipokrito at pasimba-simba pa kunwari. Alam naman ninyo na marami sa mga HINAYUPAK na UBOD ang KOKORAP na opisyales na ito ay ang paniniwala nila ay madadala nila sa hukay ang kanilang mga KINORAP, AT NINAKAW NA MGA ARI-ARIANG INANGKIN. Hi! Hi! Hi! GOOD LUCK MOTHER FUCKERS!!!
####
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ang aking intro ay tungkol sa iba’t ibang katarantaduhan na istilo ng mga nasa kapangyarihan na mga opisyales (both elected and appointed officials). Kung baga ay I am just lay-outing the usual premise or underlying reasons for the actions or non actions of concerned officials. Pasensiya na kayo at napa-inglis tuloy ako. Hi-hi-hi! Base sa mga nakakalap ko na impormasyon mula sa iba’t ibang sources hinggil sa mga naging past performance ng NCIP sa Baguio at Benguet ay masasabi natin na bagsak na bagsak ay grado ng NCIP. Kailan lamang ay nakapanayam ko ang ilang mga elders na katutubo (IPs) at sabi ko sa kanila na kung bibigyan nila ng grado ang NCIP from a scale of 1 to 10 (1 being the lowest o pinakamababa at 10 ang pinakamataas) ang sabi nila ay ang ibibigay nila na grado ay nasa 2 or 3 lamang kaya malinaw na sa tingin nila ay PALPAK itong NCIP. In fact nagulat nga ako ng mabasa ko sa headline ng pahayagang ito noong nakaraan, na agarang binigyan ng aksyon ng NCIP ang issue patungkol kay Apo Wang-od at Nas Daily. Laking tawa ako sa aking nabasa sapagkat sa aking palagay ay isa itong NAPAKALAKING KA-IPOKRITOHAN sa parte ng NCIP. Bakit ka-niyo? Op cors, culture is important, hindi natin matawaran ang importansya at kahalagahan ng kultura. Subukan mong papipiliin ang isang IP at tanungin mo sa kanya kung ano ang mas mahalaga o mas importante sa kanya at mas ipaglalaban niya, yung paggamit ng isang banyaga ng kultura o pang-aagawa at deprivation nila sa kanilang ANCESTRAL LANDS. Ano sa palagay ninyo ang isasagot ng isang IP? Sa dinami-dami ng mga katutubo na nakausap ko na mayroon mga legitimong ancestral land claims ay wala pa akong narinig na nagreklamo o nagdaing sa akin na “kawawa naman kami at nagamit ng isang banyaga o isang hindi ka-tribo ang isang parte ng aming kultura”, ngunit ang parati kong nariring ay ang LAND GRABBING AT PAGBABALEWALA NG AMING ANCESTRAL LAND CLAIMS RIGHTS. KAYA KAYO JAN SA NCIP, MAGSITIGIL NGA KAYO JAN AT UMAYOS NA KAYO BAGO MAHULI ANG LAHAT!!! Iimbestigahan daw ng NCIP ang NAS Daily! Ano? Ano? WHA! HA! HA! HA! You make us laugh!!! SUPORTAHAN ninyo ang mga lehitimong Ancestral Land Claimants, yun ang gawin ninyo!!! AGA-AMO TAYON!!!