Bakit mistulang parang hindi nagte-take off ang pag gamit nga mga solar power generation systems sa ating bansa? Bakit sa mga ibang bansa lalong lalo sa mga bansa sa west at sa europa at pati na rin sa mga ibang bansa na katulad ng Vietnam, South Korea, Malaysia, atbp ay laganap ang pag gamit ng mga solar power generation systems ? Ayaw kaya ng mga Pilipino na makatipid sa kanilang monthly electric consumption ? Ilan lamang ‘yan sa mga katanungan na gumugulo sa aking isipan at marahil ay hindi ko rin mabibigyan ng tiyakan o eksaktong kasagutan. Bagamat isang bagay ang aking matitiyak at ito ay wala sa ating lahat ang ayaw makatipid sa ating monthly electric bills, maging mayaman ka o mahirap, lahat sa atin ay gustong makatipid sa ating monthly electric bills.
Alam ba ninyo na ang Pilipinas ay ang bansa sa buong Asia na may pinakamataas na singil sa koryente? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganooon? Katulad halimbawa sa Malaysia – ayon sa isa kong kaibigan na naka base sa sa Kuala Lumpur ang electric bill niya ay na sa mga 30% to 40% lamang ng kanyang electric bill dito sa Pinas. Ibig sabihin nito ay hanep talaga ang mga negosyong nagpaparating sa atin ng koryente. Sino kaya sa kanila ang matakaw o masasabi nating baka nananamantala sa ating mga Pilipinong mga walang ka muang-muang sa sobrang taas ng koryente?
Sa tutuo lang ay kasalukuyan naming pinag aaralan kung bakit ganoon kataas ang ating mga electric bills, bagamat ito ay hindi naman kagagawan ng isang kompanya lamang sapagkat base sa aking pag kakaalam ay mayroon power generation o kung saan nag mumula ang enerhiya ( power plant kadalasan), sunod dito ay mayroon nag paparating ng enerhiya natin (National Grid) mula sa source patungo sa sinasabi na Distribution Utility (DU) katulad ng BENECO.
###
Ayon sa aking pagkakaintindi, sa kasalukuyan ay napakamahal pa ng storage batteries para sa storage ng solar harvested energy kaya lahat nang nalilikum na solar power ay kailangan ng gamitin or maibalik sa grid (eto yun sinasabi na net metering). Bagamat, ayon sa mga huling balita at sa rapid advancement of technology sa ibayong dagat ay hindi magtatagal o mga ilang taon na lamang ang ating aantayin bago mapababa ang halaga ng storage batteries nang sa ganooon ay ang napakagandang isipin na scenario ay majority of our electric consumption ay manggagaling sa solar power at kung sakali lang mabitin sa ating storage batteries ay saka pa lang tayo aasa sa fossil fuel based grid. Basahin sa pahina _______ ng pahayagan na ito ang isang feature hinggil sa malaking storage batteries. (https://www.sciencemag.org/news/2019/07/giant-batteries-and-cheap-solar-power-are-shoving-fossil-fuels-grid ).
###
Basahin nyo rin ang ERC Resolution No. 06, Series of 2019 na inaprubahan nitong August 16, 2019 : A RESOLUTION ADOPTING THE AMENDMENTS TO THE RULES ENABLING THE NET-METERING PROGRAM FOR RENEWABLE ENERGY. Inyong mada-down load ang nasabing Resolution sa ERC Website king saan linilinaw ng ERC para sa mga DU ang mga regulasyon, patakaran at standards para sa Net Metering. Hopefully sa mga darating na isyu ng pahayagan na ito ay mabigyan nating ng espasyo ang pag publish ng mga salient points ng ERC Resolution na ito.