Ano ba naman ang mga pinapanukala ng ilan sa ating mga lokal na mambubutas este mambabatas. Katulad nitong si kagalang-galang na Leandro Yangot na nagnanais na gawing pare-pareho ang kulay ng lahat ng mga silid at istraktura ng gobyerno maging local or national owned government buildings. ANO NA NAMANG KATARANTADUHAN ITO???
Ayon kay Yangot, base sa report ng PIO, ang kadahilanan daw nito ay to “deter the practice of some elected public officials even down to the barangay level of causing the painting of government structures i.e., barangay halls, public schools, markers, arcs, bridges, overpasses, flyovers, etc. with the clear intent to associate the construction of such government building or structure to them or to any political party color at the expense of the government.” Hi! Hi! Hi! Teka konsehal Yangot, tutal ninanais mo na ring gawing uniformed o pare-pareho ang mga istraktura at gusali, mayroon akong naisip para sa ikagaganda at mas uniformed ang ibang mga bagay-bagay na katulad halimbawa ng kasuutan at uniporme ng mga empleyado at opisyales, ay gawin mo na rin pare-parehas. Ang kulay ng sasakyan ng mga gobyerno, hindi kaya mas maganda kung standardized at pare-pareho n arin? Of course huwag nating kalimutan ang make-up at hair color ng mga empleyado at opisyales, dapat one style and color of make-up para sa mga babae and one standard color para sa buhok ng mga lalake (op cors bawal ang may puting buhok) at kung ikaw ay hairless o kalbo, kulayan mo ang iyong anit. Hi! Hi! Hi! Pag dating sa underwear, aba eh, kanya-kanyang kulay na lang tutal nakatago naman yan. Pag dating sa sapatos, again dapat ay pare-pareho at mas maganda siguro kung ang magiging supplier ng mga ito ay iisang tao o grupo lang para mas happy. Siya nga pala, mayroon na ring suhestiyon ng mga particular na kulay itong si Yangot at ayon sa PIO report ay “The uniform color of protective paint for all government buildings will be (1) Kitten white (p112 sG) for the Body, (2) Green for roof, (3) Copper Bright (p82 sG) for Body Accents and (4) Pure Ivory (p99 sG) for Border accents since these are generic colors and are not identifiable to any existing political party or local government official.” Aba , tingnan niyo nga naman ano, napaka swerti natin na mayroon tayong isang opisyal na katulad ni Yangot na isang businessman na nga, LLB graduate at Engineer pa, aba eh graphic designer and artist pa! Hindi ka kaya agrabyado sa serbisyo publiko na iyong ibinibigay sa siyudad ng Baguio, Apo Yangot? Isipin niyo, pwede siya sa komersyo, pwede siya sa legal, pwede siya sa imprastraktura, at lalung-lalo nang pwede siyang ARTISTIC AND CREATIVE DIRECTOR FOR THE —, fall-out muna kayo at etchapwera kayong mga miyembro ng pederasyon nang mga bading hah!!! Teka sandali, parang bitin ako sa mga kulay na iyong nai-suggest Apo Konsehal Yangot. Alam niyo naman, lihim kong sasabihin sa iyo ito Apo Konsehal (between the two of us lang ha at hindi dapat lalabas sa iba) mayroon din akong artistic abilities kaya if I may suggest, why not gawin na lang natin BRIGHT RED ang lahat ng gusali at ayaw o takot ang mga multo sa kulay pula saka matutuwa sigurado ang ating mga kapatid na Chinoy, saka maraming MULTO sa siyudad ng Baguio kaya kung puros pula ang mga gusali (red buildings and overpass, etc), mga sasakyan (red cars, trucks, motorcycles), mga uniporme (office uniforms, including the PNP uniform, including red make-up, red lipstick) etchetera…etchetera eh di we will have a happy and merry red day. Hi! Hi! Hi! Kami namang mga manginginom sanay naman na kami sa mga kumukutitap na mga red lights habang red na rin ang aming mga mata sa kaiinom. OH MAHAL NA PANGINOON , Y OH Y ANG SWERTI NATIN SA KALIBRE NG ATING MGA KASALUKUYANG OPISYALES? Parang awa niyo naman kayong mga konsehal at ibang mga opisyales na sumusweldo sa kaban ng bayan at may mga budget (magkano nga ba ang budget ng opisina ng isang tongsehal este konsehal???), kung maaari lang ay magpanukala kayo ng mga bagay-bagay na ikagaganda at ikagiginhawa at ikabubuti ng buhay ng mga masa kung saan aangat ang kanilang antas ng kabuhayan.
‘Till my next column. This is Mr. Paken, wishing you a happy and joyous start of the beer este ber months. MABUHAY PO TAYONG LAHAT and always remember “It’s more fun in the Philippines.”