PAO Chief Acosta: sinisira lang!

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sinabi sa kanya ni Yahweh, `Makakaya mo ito sapagkat tutulungan kita’…” (Hukom 6:16, Bibliya).\

-ooo-

PAO CHIEF ACOSTA: SINISIRA LAMANG: Ngayon, lumilitaw na ang katotohanan. Mukhang talagang sadyang sinisira lamang ng mga interesadong tao o grupo si Persida Rueda Acosta, ang hepe ng Public Attorney’s Office (PAO), at ang tanging layunin ng pagpapadala ng sulat sa Ombudsman para siya imbestigahan sa isyu diumano ng korapsiyon ay hatakin pababa ang kaniyang pagkatao.
Kasi naman, itinanggi na ng mga abogadong pinamumunuan ni Persida sa PAO na sila ang nagsampa ng nasabing sulat sa Ombudsman. At talaga namang hindi pupuwedeng galing sa mga abogado ng PAO yung sulat na yun, kasi sa itsura pa lamang, wala talagang bisa yung sulat, dahil wala itong lagda ng nagrereklamo.
Kung mga abogado talaga ang gumawa ng nasabing sulat at seryoso sila na kasuhannga si Persida, pipirmahan nila yun. Sa alituntunin kasi, hindi puwede ang mga reklamong walang pirma o pagkakakilanlan man lang sa mga nagrereklamo. Eh walang pirma yung sulat sa Ombudsman. So, hindi talaga dapat tinanggap man lamang yun ng Ombudsman.

-ooo-

DAHILAN KAYA SINISIRA SI PAO CHIEF ACOSTA: Bakit sinisira si Persida Rueda Acosta, ang hepe ng Public Attorney’s Office (PAO)? Kasi, sabi ng barberong si Kardong Kidlat, muli na namang umiinit ang isyu ng mga batang namatay dahil nabakunahan sila ng isang gamot na hindi pa naman tiyak ang bisa. Upang maibsan ang kredibilidad ni Acosta sa kaniyang laban sa gamot na iyun, kailangang sirain siya.
Sabi naman ng tricycle driver na si Tiyagong Taga, istratehiya talaga ng mga taong may sala o may mga itinatagong katiwalian ang pagsira sa abogado ng kanilang mga kalaban. Sa teoryang ito, lumilitaw na bagamat hindi si Acosta and direktang kalaban ng mga nagsulong ng gamot na itinurok sa mga batang namatay, siya talaga ang babatuhin kasi siya ang nakikitang nag-iisip ng paraan kung papaano mapapanagot ang mga may sala.
Dahil diyan, dagdag naman ni Maryang Palad, ang manikuristang matanda, dapat daw asahan ang mas matindi pang banat kay Persida sa mga susunod na araw. At, dagdag pa niya, kailangang mag-ukol ng mga panalangin para sa katatagan at kaligtasan ni Persida ang lahat ng naniniwala sa kaniya, mula sa pagsalakay ng mga puwersang espirituwal ng kadiliman upang makayanan niya ang lahat ng mga pagsalakay na ito.

-ooo-
KUWENTONG BARBERO SA BAKUNA: At kaugnay ng isyung ito ng bakuna, naririto ang kuwentuhan sa barberya nina Kardong Kidlat, Tiyagong Taga, at Maryang Palad na tila yata magkadugtong ang isyu ng bakuna sa isyu ng nawawalang mga tubig sa mga faucet ng mga customers sa tubig sa Metro Manila. Nalaglag ako sa aking upuan sa aking nadinig, pero hayaan ninyong ilahad ko ito dito, para sa inyong mga mambabasa, at bahala na kayong humusga.
Di nga daw ba, sabi ng tatlo, ayaw ng pabakunahan ng dengue ng maraming mga magulang ang kanilang anak, dahil sa takot na baka mamatay din ang mga matuturukan ng bakuna ng dengue. Sa nakalipas na ilang buwan, hindi matinag ng gobyerno ang mga magulang na pahintulutan ng mabakunahan ang kanilang mga anak.
So, hindi malayo, ayon sa tatlong ito, na ang remedyong naisip ng mga matatalino ay simple: alisin ang daloy ng tubig sa mga gripo, bayaang mag-impok ng tubig ang mga tao sa mga lagayan. At dahil maraming nakaimbak na tubig na malinis, doon nangingitlog ang mga lamok na may dalang dengue, kasi di naman sila nangingitlog sa tubig na marumi.

-ooo-

DOH: TOTOO BA KAYA ITO? At dahil mas madami ngayon ang mga lamok na magdadala ng dengue, sinasabi ng tatlong ito na biglang tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit nito. Na siyang nagbibigay-daan ngayon sa mga ineresadong grupo na isulong ang pagbabakuna, di na lamang ng dengue vaccine, kundi pati na noong bakuna na sinasabing nakamatay ng maraming bata. Totoo ba ito Department of Health? Ano po ang masasabi ninyo?

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages