Pasugalan sa slaughter- NAG GEGERILYA !!! TAMA BA NA SUMUMPA AGAD BILANG BISE-MAYOR SI COUN. BILOG, YES OR NO?
Volume XVII NO 30 (May 17-23, 2014)
ATTENTION PB CAMILO TACBAS – Ano ba naman itong si Punong Barangay Camilo Tacbas ng Barangay Sto. Nino, itong kupitan este Kapitan na ito napakarami kong natatangap na info hingil sa kanyang ka tu*&^%$#0&@ , at ngayo kaka beripika lang ng mga bata ko at kitang kita ang pasugalan sa may paradahan ng Partas Bus . Tsk ! Tsk! Tsk ! Ikaw talaga Kap, alam mo naman na ang pinapayagan mong mag operate sa lunga mo na drop ball at pulat-puti ay bawal ayon sa PD 1602, ANO NANAMAN ANG PALUSOT MO NGAYON ???? Aantayin na lang namin ang iyong palusot este counter affidavit kapag na sampahan ka na namin ng reklamo sa kinaukulan opisina. AGA AMO TAYON !!!
####
TAMA BA NA SUMUMPA AGAD BILANG BISE-MAYOR SI COUN. BILOG, YES OR NO ?– Tunay na masalimuot at sigurado ko na ibat-ibang pananaw ang ating maririnig o marahil ay hati ang magiging kasagutan ng mga tanga este taga Baguio hingil sa isyu na kung tama ba na SUMUMPA AGAD BILANG BISE-MAYOR SI COUN. BILOG, YES OR NO, habang naka burol pa lamang si the late VM Farinas at sumumpa na si Coun. Bilog nuong May 5, 2014 or 2 days ng pagkamatay pa lamang ni VM Farinas ? Ayon kay Coun. Bilog ay ipinatawag daw siya ni Mayor Domogan at sinabing kailangan na raw niyang sumumpa bilang VM para ng sa ganoon ay hindi maantala ang serbisyo publiko dala ng kawalan ng isang Vice Mayor kaya eto naman si Bilog agad na sumumpa. Ayon naman sa mga kritiko o mga hindi sang –ayon sa agarang pagsumpa ni Coun. Bilog dapat raw ay inantay man lang niya hangang mailibing si VM Farinas tutal naman sa sabado o May 10 na ililibing si VM Farinas, ano ba naman ang mawalan ng VM ang siyudad ng Baguio ng ilan araw lamang, hindi naman siguro titigil o hihinto ang serbisyo publiko ?! Kung ako ang inyong tatanungin , dapat ay hindi sumumpa si Coun. Bilog at inantay muna niya na mailibing muna si VM Farinas, sapagkat ang kanyang agarang pagsumpa ay isang malinaw na indikasyon na siya ay atat-na-atat na para sa kapangyarihan. Kung ang ganitong sitwasyon ay nangyari sa kulturang banyaga o westrern culture ay walang problema sapagkat iba ang kanilang kultura, ngunit sa ating mga Pilipino lumalabas na kabastusan at kawalang galang ang ipinakita ni Coun. Bilog . Maliban pa dito ay mayroon pang isang FB Page si Coun. Bilog kung saan agad na ipinalit ang kanyang titolo from Councilor to Vice Mayor, isa pang patunay na atat-na-atat na maging VM si Coun. Bilog, Hi ! Hi! Hi ! Ingat-ingats kayo jan, APO Mayor Domogan at baka bigla kayong ma-underground ng inyong kasalukuyang VM !!! Iyong mababasa ang ibat ibang komento sa ibaba mula sa FB ngunit , mayroon isang komento mula kay Ginoong Anthony de Leon kung saan ang kanyang sinabi ay “ “ Anthony Ramos De Leon Dhobie, granting for the sake of argument that it was the Mayor who “called” on him to be sworn in…he can always say “not at this time”…..decency isnt learned in school or in degrees kase eh” . 100 % sangayon ako sa komentong ito ni Ginoong De Leon , tutuong-tutuo po ito , wala po sa taas ng pinag-aralan o sa dami ng degree o titulo ang pagiging desente ng isang nilalang, sapagkat napakaraming mataas ang pinag aralan na walang modo, hindi desente at sa halip ay mga balasubas ika nga. Ikaw ba Coun. Bilog este Vice Mayor Bilog- BALASUBAS KA BA ?
####
“ Myke Abaya Sotero Eto, eto ang tinatanong ko.. hindi nila masagot. part ba ng public service ang FB fan page na ito at kailangan nilang i-rename agad na “VICE MAYOR EDISON BILOG” itong page na ito (with 200 likes? Nakaburol pa si VM Farinas, may ganitong page na agad? Sobrang painful siguro sa pamilyang Bilog na ipagpaliban ang pagre-rename nitong fanpage na ito… And due to “serbisyong publiko” top priority na baguhin ang pangalan ng fan page mula “Councilor” to “Vice Mayor” kasi baka naman nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya ng Baguio sa Fan page na ito na may 200 “likes” And still, they don’t seem to get the point sa baguio Chronicle. And they even accuse me of making “papansin” Sorry sila, di ko kailangan magpapansin kasi hindi ako pulitiko. https://www.facebook.com/CouncilorEdisonBilogVolunteers”
Taken from the Vice Mayor Edison Bilog Page (Facebook) May 5, 2014 “I did take my oath awhile ago…hndi po dhil s ngmamadali aq..in fact the original plan was on may 12 sana..pero how could i sacrifice the welfare of public service…hindi po mbbgyan ng new appts ang mga staff ng city councilors kung hndi po aq mg ooath knina..kung wala pong appt ang mga staff paano po ttkbo ang opisina ng isang councilor…naipit po aq s ng uumpogan bato..so i decided n public service po ang umiral…sana po maintindihan nyo aq..hndi po aq s ngmamadali pro kailangan q pong gwin..”
Taken from the Vice Mayor Edison Bilog Page (Facebook) May 5, 2014, shared by Ryan Olat B. Mangusan’s photo”
“ The Oath Taking was done through the proper consultation of the City Government of Baguio.It was not done through the wishes of just one but with the urgency of proper disposal of Public service and the functions of the city government itself. by operation of law, being the No. 1 Councilor, Hon. Edison R. Bilog takes oath as Vice Mayor before Mayor Mauricio G. Domogan.”
“ Evelyn Gesell He exactly did what he hated done when his old man passed away… Grabe !!!!”
“ Anthony Ramos De Leon Dhobie, granting for the sake of argument that it was the Mayor who “called” on him to be sworn in…he can always say “not at this time”…..decency isnt learned in school or in degrees kase eh”