Pikon Talo! DU30 Sumobra na talaga! Baligtaran at Trayduran Na!

Baligtaran na, Saksakan sa likod, at Trayduran Na- Kung noong 2013 elections ay Alidom ang pilit nilang pinapuputok ng mga intrigero at mga nag nanais mang-underground at sirain ang samahan VerDom o Vergara-Domogan, sa aking palagay sa ngayon ay kapag ipinilit nila uli ang Alidom na ‘yan ay talagang makakasira lang yan kay Apo Morris. Tingnan naman ninyo ang record ni Apo Morris at tingnan naman ninyo ang record ni Apo Bernie, at tingnan din ninyo ang record ni Apo Nicasio (THE GREAT) Aliping. Alam naman nating lahat mga dear readers na wala naman siguro kayong masasabing talagang masamang record o netagibo sa record ni Apo Morris at puros mga batikos lang naman na mabababaw at walang sapat na basehan ang inyong ma ko-comment kay Apo Morris. Sige nga kayo, mag-Meyor kayo at tignan taka?! Puros lang naman kayo kiao-kiao pero wala rin naman kayong counter suggestion!

Ang records ni Apo Bernie talagang subuk naman na rin sa tongreso este Kongreso.
Ang record ni Apo Aliping? Hi Hi Hi Hi Hi Hi. Ngek! Muntik na ako mahulog sa aking upuan sa katatawa sa aking kasusulat lang na tanong (na si Apo Aliping kumusta ang record). Aba eh, the best sa buong Pilipinas ang record ni Apo Nicasio (THE GREAT) Aliping. Dapat siya ay parangalan ng The Best Congressman in the World este in the Philippines.

Basta alam niyo na ang ibig kong sabihin mga dear readers, kapag ngayon nila ipipilit ang Alidom, sa aking palagay ay maraming lilipat kay Claravall, kaya huwag niyo nang ipilit ang Alidom at baka malasin pa kayong lahat! Stick to the tried, proven and tested –VERDOM!!! Alidom? Ano yun, maaayos ba nun ang mga punong pinutol at mga spring na nasira?

####

DU30 Sumobra na talaga- Sumosobra na talaga itong si lolo Duts na ito ha. Kung sabagay simula’t sapol naisulat ko na sa kolum ko na si Binay ang aking ibobotos at aking susuportahan taka! Ngunit itong panghuling biro-biro ni Lolo Duts na sayang daw at dapat Mayor muna ang nauna sa pag-rape, aba, ‘alang hiyang biro naman ‘yan Lolo Duts! Hindi ka na ba tinamaan ng matinding hiya sa sinabi mo? Ganoon na ba kakapal at kamanhid ang iyong mukha? Wala ka bang kapatid na babae o ina? Mayroon ka namang anak na babae at nakayanan mong gawin biro-biro ang isang bagay na mismong ang ating batas ay isinagawang isang herinous crime ang krimen na rape. Ano ka ba naman Lolo Duts. Tiyak yan, itong sinabi mo na ito ang siyang pasimula ng iyong pag-lubog!

Ngayon, ang mas nakalulungkot na ipinakita ni Lolo Duts ay ang kanyang napakataas na pride at baluktot na pangangatwiran na ang dami pa niyang sinasabing palusot hinggil sa kanyang nasabi na biro sa rape at ayaw rin niyang mag-apologize at tanggapin ang kanyang kamalian at mag-pakumbaba.

Nakowwwww, nakakatakot itong si Lolo Duts. Pati ako kinakabahan sa istilo ng lolo na ito kapag siya ay maging Presidente. Kaya ako BINROB PA RIN (Binay-Robredo)!

####

Pikon Talo – Ayon sa ilan natin mga impormante, mga DPA natin or deep penetrating angels, mayroon daw mga ibang kandidato (lalo na mga kandidato kwak-kwak o trying hard at lipas na) na pikon sa ating mga pinagsusulat at sa mga lumalabas sa pahayagang ito na The Jankyon este The Junction. Hi !Hi ! Hi ! Pakatatandaan, ang kasabihan na ang “Pikon ay Talo.” Bakit kaya sila mapipikon eh sabi naman nila wala naman daw nag-babasa ng pahayagan na ito?! Saka di ba konti –konti lang naman ang ating iniimprenta tuwing election bi-weekly issues? Hi! Hi !Hi! Hi! AGA-AMO TAYON!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages