Public Statement sa Midland sino nag bayad si G o si V!?!

Public Statement sa Midland sino nag bayad si G o si V!?!

Volume XVII NO. 40 (July 26 to August 1, 2014)

Bago natin talakayin ang ilan mga punto hingil sa one sided na pagbabtikos kay Tongressman este Congressman Aliping, isang magandang joke po muna mga dear readers.
ISRAELI DOCTOR: “In Israel, the medicine is so advanced, we cut off a man’s testicles, put them on another man & in 6 weeks, he is looking for work.”
GERMAN DOCTOR: “In Germany, we take part of a brain from one man, put it in another man & in 4 weeks time, he is looking for work.”
FILIPINO DOCTOR: “You all are way behind us. Last 2010, we took a man with no brains & no balls & made him President. Now, the whole country is looking for work!”

Public Statement sa Midland sino nag bayad , si Mr. G o Mr. V !?!– Ano ba naman ang mga taong ito na pumirma ng isang public statement sa Midland at siya rin ikinalat sa internet na ang heading ay “ A Public Statement-Mt.Sto. Tomas Under Siege”, bakit under siege, sino ang kumokupkop ? Bakit naman kaya nag si pirmahan ang mga tao na yun na supposed to be ay mayroon silang mga pinag-aralan at hindi sila basta-basta ma li-linlang o madadala ng propaganda sa internet medias este media o basta basta sa mga sulat sulat o reporting ng isang lokal na balita sa TV? Bakit mismong si Bishop Carlito Cenzon ang na una pa sa pag pirma na kung ako ang tatanungin ay isang libelous na public statement at isang statement ng pagkondena ng isang tao na hindi pa binigyan ng pagkakataon na lumabas o ma-antay ang resulta ng mga isinasagawang opisyal na imbestigasyon. Tsk! Tsk! Tsk, kayo talagang supposed to be ay mga learned people. Tsk! Tsk! Tsk! Sa mga pumirma na ito ilan kaya sa kanila ang mismong umakyat at nagsiyasat ng maayos sa Mt. Cabuyao? Ilan kaya sa kanila ang mismong nag-imbestiga at inalam ng malalim ang tunay na mga nangyayari sa Mt. Cabuyao ? Talaga naman sa lungsod na ito, napakadaling gumawa ng kuwento at manira ng tao ( at parang mga unggoy na nagtatalunan agad ang iba sa atin), hindi mahalaga kung isa kang tongressman este congressman at mas magandang target ka pa . Kung sabagay hindi nila na kayanan na sirain ang SM na kahit na puros ligal ang katayuan ng SM ay pilit nilang sinubukan pasamain and all done for business and fund raising reasons, siyempre alam naman natin na kung sino sinong mga negosyante ang na-apektohan ng pagbubukas ng SM. Anjan ang Porta Vaga na pag mamayari ng simbahan katolika, anjan rin si Tiongsan at iba pa na mga nesgoyante (bwwiiisssssit na SM yan), kaya ng naka silip sila ng butas sa pag e-earth ball at puputulin na puno ng SM ayun sapol na sapol bumuo swila ng grupo na Save 182, dapt ngayo bumuo naman kayo ng grupo na Save 700 ++. Ngunit wala rin nangyari sa kanila sapagkat hindi naman sila lahat ay may mga tunay na concern sa ating environment o kalikasan at mayroon mga iba sa kanila na mga kwestionableng mga motibo at hangarin. Ngayon sa kasalukuyan sitwasyon ni tong este cong Aliping, ganun din ang sitwasyon, ang unang motibo at hangarin ng mga nasa likod ng DEMOLISYON LABAN KAY ALIPING ay pa-momolitiko, pangalawa ay bengansa at sour graping ng mga talunan, pangatlong dahilan ay para sa internationl fund raising purposes. Mga pakunwaring conservation trust at ibat ibang NGO etc…, aba parang mga totoong concerned sa environment at mayroon pang pa tanim-tanim kunwari duon mismo sa gitna ng kalsada nuong Cordillera day! Ano ba kayo mga tsiong nag papatawa ba kayo at nag tatanim kayo sa gitna ng isang ginagawang kalsada na pag-mamayari ng mga ancestral land claimants ang lupaing inyong tinataniman (WOW-WOW-WIE, ano ba kayo, magtanim kayo sa isang secure na lugar at hindi sa gitna ng kalsada) !!! Bakit d nyo kaya balikan ang inyong tinanim na puno at tignan ninyo kung anduon pa, kung sabagay, konti lang yun at pang –puto ops este photo ops lang naman yun, for Facebook fund raising fund raising purposes. Alam ninyo mga dear readers, huwag kayo magulat sa aking medyo pagka-inis na banat na istilo sapagkat ayaw na ayaw ko na ang sino man ay i-sinasubject to media prosecution and pre-judgement without the benefit of due process, samantalang mayroon isinasagawang imbestigasyon, eh bakit hindi nyo muna antayin ang resulta ng imbestigasyon, bakit aalis na ba mga donors at kating-kati na ang inyong mga kamay para sa donasyon, o baka naman binigay na ni *&^%$G#(O* ang buong TF (talent fee) ninyo o baka naman para kunwari ay mga conerned citizens o environmentalist kayo??? MAG SI TIGIL NGA KAYO, AGA AMO TAYON !!! Sa tanan ng buhay ninyo mayroon na ba kayong na isampa na criminal case o kahit na tumayong testigo man lang laban sa mga illegal loggers, illegal miners or other violators of our environmental laws and/or concerns etc…??? Anong katarantaduhan naman yan, pa kunwaring concerned pa kayo, ngayon pa na kalbong kalbo na ang buong kabundukan ng Baguio, ngayon pa kayo biglang nag karoon ng concern?!? Siyanga pala, mga taga Mt. Cabuyao o Tuba ba kayong mga kiao-kiao ng kiao-kiao ??? Sa ngayon ay bibigyan ko kayo ng ilang tip, nung nakaraan kong kolum ay iniwanan ko kayo ng ilan mga katanungan para ma-wise naman kayo ng konti, sa ngayon ay tip at katanungan muli:
1. Sino ang nag bayad ng public statement sa midland na whole page na halagang P 23K plus (more or less) ang siyang nag-bayad nito ay baka isang pol-politiko na nag sosour grapping at isang na sa likod ng pagpapa-init ng issue?!?!

2. Bakit kaya hindi pa umuupo bilang konsehal si Mr. Mark Go, bagamat siya ay nag oath taking na kay VM Bilog, ano ang konesksyon ng tanong ko na ito, think ? think? think?

3. Walang pinutol na puno si tong este cong Aliping kung ang pag-babasehan ay ang ebidensiyang mga litrato na isinumite ng PENRO-DENR , hindi nag sisinungaling ang google earth maps mayroon itong mga coordinates!

4. Yuon mga litratong pinag-gagamit ng mga medyas este media ( facebook, print and TV) na bumabatikos kay tong este cong Aliping ay patungkol sa isang kalsadang leading to nowhere at wala naman mapapala si tong este si cong Aliping kung yuon ay kanyang ipagagawa, KONTING COMMON SENSE NAMAN PO SANA NG HINDI BASTA BASTA MAKORYENTE O BAKA NAMAN LIKAS NA KATANGAHAN LANG TALAGA (palit na kayo ng propesyon, kung hindi ninyo kaya ng simple investigative journalism, o pa seminar kayo sa akin) , kaya bakit si tong este si Cong Aliping ang binibintangan at kinokondena !?!?!

5. Ang mga kalsadang ipinapakita kung saan may-mga puno na naputol ay pag mamay-ari ng mga private ancestral land claimants, bakit hindi sila idinamay sa reklamo o demanda at si tong este si cong Aliping lang ang pinuntirya ng MATINDING DEMOLITION JOB !?!

6. Bakit sa tagal tagal ng nagkakaroon ng turbidity o pag kakaroon ng kontaminasyon sa kulay ng tubig sa spring no. 3 ng BWD ay wala silang ginagawa at hinahabla, pero nung nakakita ng isang tong este cong na pwedeng banatan eh sinampahan agad ng reklamo ? Alam nyo ba kung gaano ka layo ang lokasyon ng spring no3 sa excavation ni tong este Cong Aliping, sino kaya ang nasa likod ng pag-papa init sa BWD para kumilos ng ganito, your guess is as good as mine ?

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages