Itong si Secretary Pinol ng DAR ay nagkuwento na ipinasaoli daw niya ang isang regalo na binigay sa kanya. Siya daw ay nagulat na isa daw itong Rolex (Oyster Series). Alam naman natin na kapag ganito katitindi ang halaga ng regalo nito na nasa halos kalahating milyong piso, at mayroon isang matinding kapalit ito para sa nagbigay at lalung-lao ng ma-oobliga na mag-bigay ng kapalit o pabor ang nakatanggap para sa nagbigay. Ayon sa Republic Act (RA) 6713 o kinikilala rin na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ay:
“ Section 3. Definition of Terms. – As used in this Act, the term:
(c) “Gift” refers to a thing or a right to dispose of gratuitously, or any act or liberality, in favor of another who accepts it, and shall include a simulated sale or an ostensibly onerous disposition thereof. It shall not include an unsolicited gift of nominal or insignificant value not given in anticipation of, or in exchange for, a favor from a public official or employee.
(d) “Receiving any gift” includes the act of accepting directly or indirectly, a gift from a person other than a member of his family or relative as defined in this Act, even on the occasion of a family celebration or national festivity like Christmas, if the value of the gift is neither nominal nor insignificant, or the gift is given in anticipation of, or in exchange for, a favor.
Section 7. Prohibited Acts and Transactions.:
(d) Solicitation or acceptance of gifts. – Public officials and employees shall not solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value from any person in the course of their official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of their office.”
Hingil sa probisyon na ito ay malinaw naman na pu-pwedeng tumanggap ng regalo ang isang opisyal kung balewala ang halaga ng binigay katulad halimbawa ng isang cake, pie, o simpleng bote ng alak (huwag mamahalin na Johnny Blue, Swing etc…,) at kung wala naman siyang inaasahang pabor o transakyon sa nasabing opisina, ika nga ay token of appreciation lamang. Kaya tama lamang na isinaoli ni Secretary Pinol ang ubod ang mahal na legalo. Ang tanong ngayon ay hindi ba alam ng ating mahal na Pangulo ang probisyon na ito? Sigurado ko na alam naman niya ito, kung bakit nag komento pa siya na dapat sana daw ay tinanggap ni Sec Pinol ang legalo at ipinangbili niya ito ng bigas para sa mahihirap?! Ano ba naman klaseng komento ito? Bakit mahal na Pangulo, sa dinami-dami ba ng tinanggap ninyo na mga legalo ibinibili ba ninyo ang kabuuang halaga ng bigas, at anong porsyento o halaga ang ibinubulsa ninyo, at ano naman ang kapalit na natatanggap ng nagbigay??? Ito ay isang malinaw na bayolasyon sa anti graft and corrupt practices act o RA 3019.
MERRY CHRISTMAS SA AKING MGA DEAR READERS AT SA READERS NG PAHAYAGANG ITO!!!