Roxas, Poe, Binay, Du30, Lacson –Bakbakan Royale!!!

Pa-umpisa na ang init at positioning ng mga magagaling na presidentiables.
Una sa lahat, ang may limpak-limpak na salapi at pondo ay itong LP standard bearer na si MR. THD (Trying Hard na Deperado Pa) Mar Roxas. Ilang BILYON nga ba ang pondo na kanyang gagamitin para sa vote buying, PCOS manipulation, BBL diskarte at iba pa??? Sabi-sabi ng aking DPA (deep penetrating angel) ay nasa 20 billion daw ang pondo ni Mar.

At anjan din naman itong si super ambisyosang Grace Poe na napaka ganda na nga nang kanyang buhay sa estados unidos (West Virginia) eh nag pa istir pa kay tulis-tulis Keso (Chiz), ayun nanaisin pang sumawsaw sa isang napakagulong Philippine politics, hay-yayyay, ang buhay nga naman. Maraming tao, sobra sobra na ang salapi ngunit ala namang kapangyarihan (power) kaya hindi makontento at kelangan pa nitong si Grace Poe ng kapangyarihan. Naging anak lang ni d’king FPJ akala niya obra na para mamuno ng 100 million Filipinos. Hindi Poe ba mga dear readers, katawa-tawa Poe.

Ito namang si godfather d’Binay, pilit na sinisira ng administrasyon ngunit mukhang hindi natitinag ang kanyang kamandag. Ano naman kaya ang kamandag nitong si VP nognog? Ngunit, walang awat ang mga expose na lumalabas hinggil sa kanya pagdating sa korapsyon na pilit ibinabato ng, kaya nga lang, kahit na maraming birada kay VP Nognog ay mataas pa rin siya sa surveys at malakas pa rin ang kanyang mga suporta sa mga masang intelligent voters. Hi ! Hi! Hi!

Eto naman si pakunwaring pakitpot na DU30, nakakatakot ang human rights violation record ng mamang ito at mahilig makisiping pa sa maka-kaliwa o sa komunista, kaya alanganin rin talaga itong si Du30 kung ako ang inyong tatanungin, kaya manatili na lang dapat itong si Du30 sa Davao. Saka dapat nating paka-tatandaan na ang nagawa ni Du30 sa Davao ay siguradong hindi niya magagawa sa Pilipinas sapagkat sa Davao ay hands on sya at siya mismo ang nagmo-monitor samantalang ang isang pangulo o president ay pilit na aasa sa kanyang mga tauhan. Eh alam naman natin na mahirap na at iba na ang usapin kapag ikaw ay aasa sa ibang mga tao lalo na at pinagkakautangan mo sila ng loob dala ng kanilang pagbibigay ng campaign contributions sa iyo!!!.

Ito na naman si Ping Lacson, so far so good at consistent na mr clean ang taong ito, kaya siguro ay dapat nating bigyan ng second look and consideration itong si Ping Lacson. Anong palagay ninyo mga dear readers?!?!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages