Sa ngayon BBM, Lacson, Yorme, Pakyaw!

Sa ngayon BBM, Lacson, Yorme at Pakyaw – Mukha ngang aabutin na hanggang 6 or even 7 presidential candidates ang tatakbo sa darating na halalan. Patay na tayo at siguradong minority president ang kalalabasan nito. Another 6 days para malaman natin o hanggang October 8 para malaman natin ang kabuuan ng mga tatakbo at posible pa na tumakbo pa si Leni Lugaw, si Sarang Boksingero at baka maging nuisance candidate pa si son of god na nag mamay-ari ng buong mundo, walang iba kung hindi si Pastor “May S” Quiboloy. Ngunit kung tutuhanan na tumakbo si Pastor “May S” ay mabibisto siya kung gaano lang kaliit ang makukuha niyang boto at siguradong kokonti lamang ang kanyang magiging bobotante este botante na imbisna mapunta pa kay Sara ay mapupunta pa sa kanya. Isingit ko lamang na ang kolumnista na ito ay isang certified Marcos Loyalist kaya siyempre ay kay BBM ako.
Dito naman sa siyudad ng Baguio ay malakas ang ugong-ugong ngunit pawang ispekulasyon lamang na tatakbo ang mga sumusunod: Para Tongressman op cors anjan pa rin si incumbent Tongressman Mekeni Mark Go na posibleng tapatan ni Pine Tree Master Logger o sino kaya ang maglalakas ang loob na tapatan si Mekeni Mark Go.

Para sa Mayor ay maraming mga pangalan na ang lumulutang op cors una dito ay the incumbent Mr. Clean “Ha Ha Ha Ha” Mayor Benjamin Magaling este Magalong na siyang tatapatan ni Mr. Master Showman Domogs, at anjan pa si Mr. Bigas “singhot-sighot” Atty. Edison Bilog. Anjan din si The Man, the decent and Honorable Dean Atty Edgar Avila. Anjan si Pine Tree Biyahero na tatakbo kaya uli (for the nth time) at baka mag-upgrade daw si VM Ulo para mag Mayor o return to come back lang muna si Sira Ulo este si Sir VM Ulo? Hi! Hi! Hi!

Para Bise Mayor ang binalita sakin ay tatakbo daw si Manang Elaine “Kabsat” Sembrano at last term na niya bilang Tongsehal este Konsehal. Mayroon din daw ilang mga tongsehal este konsehal ang siyang maga-upgrade para Bise Mayor.
Sa susunod na issue ng pahayagang ito ay nagka-alaman na kung sinu-sinong mga BALIW, SIRA ULO, IPOKRITO, MANDARAMBONG, MANDURUGAS, BABAERO, LALAKERO, LAND GRABBER ETCHETERA ETCHETERA ang mga tatakbo.
O, MAHAL NA PANGINOON PAKINGGAN PO NINYO ANG AMING DALANGIN AT DASAL AT HUWAG NA NINYONG PATAKBUHIN (BIGYAN NIYO PO SANA SILA NG ISANG NAPAKATINDING LBM SA ARAW NA MAG PAPARESHISTRO SILA) YUNG MGA MAY LAYUNIN LAMANG NA MAGKAMAL NG SALAPI SA KABAN NG BAYAN!!!!

####

Paano na ang ibang mga CALT/CADT sa Baguio – Isang napakalaking injustice ang naisagawa sa mga valid and legitimate ancestral land claimants dito sa siyudad ng Baguio na courtesy ng Korte Suprema o Supreme Court na base aking mga nakalap na impormasyon ay kaya nagkaganito ay dahil sa ilang mga bagay-bagay na kung saan naging negligent ang mga abogago este abogado na dapat na inilaban ng tama ang karapatan ng mga IP Ancestral Land Claimant kaya pati na yung Korte Suprema ay nalinlang. Base sa aking nakalap na impormasyon ay may 135 na registered at 24 na unregistered na CALT and CADT na proseso ng NCIP Baguio. Kamakailan lamang, nung September 29, 2021 ay nagkaroon ng Zoom meeting hinggil sa IPRA na ipinatawag ng NCIP at ayon sa impormasyon na ipinarating sakin ay according to Commissioner Cayat ay “hindi daw tama yun mga forms na ginamit ng 8 commissioners en banc kaya daw na lintik ang mga ilang CALT” particular na yun mga CALT jan sa may government center, Wright Park, etc. Kung ganon ang sitwasyon eh di KATANGAHAN NG NCIP ANG NANGYARI, bagamat alam naman natin na hindi naman tanga ang mga Commissioners noong panahon ni Commissioner Pawid kaya malamang ay nagtatanga-tangahan lamang sila. Ating aalamin pa ng mas detalyado ang hinggil dito. Abangan sa mga susunod na isyu ng pahayagang ito.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages