Sampalin Niyo!!! China dapat maging Visa Free!!!

Sampalin Niyo – Yaan ang malutong na pahayag ng ating mahal na pangulo na kanyang sinabi sa isa niyang speech nu’ng siya ay nasa China. Ang speech na ito ay kanyang binigay sa harap ng Filipino community sa China kung saan sinabi niya na kapag may isa sa ating kababayan na pauwi sa Pilipinas at sila ay kinokonotongan sa airport ng immigration etc, ang gawin nila ay sampalin nila ang tao na mangongotong sa kanila. Sa biglang dinig ay parang OK at nakakatuwang pakingan ito ngunit kapag ikaw ay nahimasmasan ay mukhang maling-mali ang ganitong payo ni PDu30.

Una sa lahat ay ang pananampal ay isang bayolenteng gawain at tandaaan natin na kapag nanampal ang OFW ay mayroon kontra sampal o suntok din silang matatanggap at malamang ay sila pa ang mapahamak at makasuhan ng physical injuries sapagkat sila ang unang nanakit ng kanilang kapwa. Kung ako ang masasampal ay sisiguraduhin ko na bugbog sarado ang mananampal sa akin.

Para sa akin ang dapat na advice ni PDu30 lalo na at siya ay abogago este abogado ay, huwag matakot ang OFW at magsampa at magahain ng pormal na reklamo o formal complaint laban duon sa kawani ng gobyerno na siyang magsasagawa ng katiwalian o kotong. Sa aking palagay ay yaan ang mas maayos na payo at hindi ang basta-basta na lang mananampal ka ng iyong kapwa! Tsk! Tsk! Tsk!

####

China dapat maging Visa Free – dapat sana ay maging Visa free tayo papuntang China. Kung bakit naman kailangan pa nating magbayad ng P1,400 for single entry. Nagpa-plano pa naman akong bumiyahe ng China at gusto ko kumain ng mga original na pagkaing tsekwa na katulad ng peking duck, siopao, siomai, pancit canton, lumpiang shanghai and op cors my favorite drink and beverage is syoktong; at siyempre habang nasa China ako ay papasyal na rin ako sa China Town. Hi! Hi! Hi! Akala ko ba ay tinuturing tayo na parang kapatid ng mga tsekwa eh bakit kailangan pa nating mag bayad ng P1,400 para lamang sa Visa? Mapapamahal tuloy ang aking peking duck, siopao, siomai, lumpiang shanghai at pancit canton. Hi! Hi! Hi! At ang mga armas ng China, aba eh the best sila, katunayan ay mayroon akong isang kompare na mayroong 45 caliber na Norinco (ang norinco ay made in Vhina) at sabi niya na nung nakipag barilan siya sa isang mayroong teka teka (paltik) aba eh walang sinabi ang may paltik. The best pa rin talaga ng mga Chinese goods at ayaw ko ng made in the US sapagkat mahal masyado at masyadong high quality kaya patay ka na ay buhay pa rin ang produkto ng US lalo na kapag appliance na gawang US ay matibay ngunit ang gawang China ay sikat.
Nalpas!!! Hi! Hi! Hi!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages