Secret Jail – Ano ba naman ang nangyayari sa pinuno ng ating kapulisan??? Nangyari na nga, na nabisto ang isang secret jail eh kung bakit naman mismong ang pinuno ng PNP no less than the head and top man of the whole PNP organization, mismong si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ay agad na dinepensahan at ipinagtanggol ang gawain ng kanyang mga pulis na wala raw masama o iregular daw sa kanilang isinagawa?! Oh my, mahal na Panginoon. Ano ba namang kagaguhan itong naririnig natin mismong sa bunganga ng cheap este chief PNP?!?! Sa pagkakataong ito ay huwag na tayong maging teknikal hinggil sa whether or not alam ni Chief Bobo este Chief Bato na bawal ayon sa saligang batas (constitution) ang ginawa ng kanyang mga pulis.
Sa pagkakataong ito ay pairalin na lang natin ang sinasabing common sense at ito ay simple lang sapagkat kesyo kung anu-ano pang idahilan ng mga pulis –matulis na nagsagawa ng secret jail at kesyo daw masikip na sa jail etc, eh kung wala silang masamang plano na mag-sagawa ng secret jail for illegal intents and purposes eh bakit kailangan pa na takpan ng isang book case ang entrance door ng secret jail at kaya tuloy naging secret jail ito.
Hindi po ba mga dear readers, kung maganda ang hangarin nila at nais lang nila na bawasan ang paghihirap ng mga bilanggo dahil sa over crowded ang bilangguan ay hindi sana isang secret jail ang kanilang ginawa at ipinaalam nila ito sa publiko o sa madla.
There you have it my dear readers, kapag ang isang bagay ay hindi transparent ay malaki ang posibilidad na may mga karumaldumal at kabulastugan na nangyayari at sa pagkakataon na ito ay ang secret jail ay isinasagawa para makapag raise ng pera ang mga nahuli para sa kanilang kalayaan. Ni hindi man lang sila na book or na charge in the first place.
KAYA PARA SA AKIN AY MGA HALANG TALAGA ANG BITUKA NG MGA MASAHOL PA SA HAYOP NA MGA PULIS ANG NAGSAGAWA NITONG OPLAN RANSOM-TUBOS SA SECRET JAIL NA ITO!!!
At ikaw naman Cheap este Chief Bato, huwag mong gayahin ang istilo ng amo mo at hindi mo naman kaya. Linisin mo ng tama at maayos ang PNP at huwag mo ng palalain ang sitwasyon!
####
UN Special rapporteur pakialamero – Sino kaya ang nagsasabi ng totoo, si Agnes Callamard na UN Special rapporteur na taga-imbestiga ng mga EJK o ang Malacanang na nag-sasabi na hindi daw tumibre sa gobyerno itong si Calammard hinggil sa kanyang pagdalaw sa bansa? Kasalukuyan ay nasa bansa itong si Canard este Calamay este Callamard. Ayon sa palasyo ay kelangan daw mag-coordinate itong si Callamard sapagkat mayroon daw mga protocol na dapat sundin. Hi! Hi! Hi! Nakakatawa naman ang mga ganitong pangangatwiran ng palasyo partikular na si Spokesman Abella na siyang nagbigay ng pahayag na ito! Ano ba namang katwiran ito mga mahal na opisyales sa palasyo? Bakit naman kailangan pa na mag-timbre sa inyo, eh wala naman kayong itinatago hindi ba at malayang makakapasyal ang isang banyaga o dayuhan sa ating bansa hindi po ba?
Ayon kay Callamard ay nasa bansa siya bilang bisita ng FLAG at nag a-atend siya ng forum. Alam naman ninyo na ang isang tunay na imbistigador ay hindi na tumitimbre ng kanyang mga galaw at hakbangin. Tutal naman ay wala kayong itinatago kaya dapat lang na hayaan siyang lumakad kung saan niya gusto. Maganda siguro ay anyayahin niyo sya sa Basilan ng makausap niya ang mga Abu Sayaff. Jok Jok jok lang!