Sereno siguradong mai-impeach – Iba talaga ang kapangyarihan na ipinapakita nitong si Pangulong Dugong hinggil sa kasalukuyang nagaganap na impitsmen komplen laban kay Chip Justice Sereno. Alam naman natin ang nangyari kay dating Chip Justice Corona kung saan ang kanyang sitwasyon ay siyang naging isang hindi kanais-nais na precedent. Bagamat ang aking pag-analisa ay yung sinasabing “in hind sight” na ika nga base sa mga kaganapang nakalipas or past events. Ang tanong ay makatarungan nga ba talaga ang naging pag-impits kay CJ Corona? Kung ikaw ay isang dilawan ay maaring inyong masabi na ito ay makatarungan at ang kasalukuyang impitsmen komplen laban kay CJ Sereno ay hindi makatarungan; bagamat kung ikaw ay maka-GMA ay siyempre sasabihin mo hindi makatarungan ang nasabing impitsmen!?
Kung inyong mataandaan, ay si CJ Corona ay nabutasan dahil lamang sa kanyang kakulangan ng pagdeklara ng kayaman sa kanyang SALN samantalang ang mga bintang hinggil kay CJ Sereno ay di hamak na mas marami. Kaya sa aking palagay ay siguradong mai-impits rin itong si CJ Sereno sa impitsmen court ng mga senatong este Senado. Kung inyong matatandaan ay tatlong Senatong lamang ang hindi bumoto na ma-impits si CJ Corona at sila ay sina Senatong Miriam Defensor , Senatong Marcos at Senatong Joke Joke Arroyo at ang lahat ay bumoto na ma-impits si Corona.
Hindi pagka tagal ay mayroon balitang nakompirma rin na si dating Pangulong Penoy ay nangako at nagbigay ng tig 50M sa mga senatong na bumoto ma-impits si CJ Corona. Sa ngayon ay ganyan din marahil ang magiging scenario at ang karamihan ay bibigyan ng 100 M (or more) ni PDugong at ang mga kakampi lamang ni CJ Sereno ay ang minority opposition block na sina Senatong Trillanes, Drillon, Pangilinan, Aquino at Hontiberos. Kaya GOODBYE CJ Sereno, back to private legal practice ka na lang. C U In Court. NALPAS!!!
####
Tatamaan si Pangulong Penoy sa Dingbaksya- Marahil, sa aking palagay ay tatamaan itong si dating Pangulong Penoy hinggil dito sa dingbaksya controversy. Kung siguradong malulusutan ni Pangulong Penoy ang SAF 44, ay base sa ating initial na mga nakalap na balita ay mukhang dito tatamaan si Pangulong Penoy unless of course na akuin lahat ni Dating Health Secretary Gahaman este Garin ang responsibilidad, sapagkat paano nila mailulusot ang facts na mismo ang Word Health Organization o WHO na isang UN agency ay mismong wala pang binibigay na permiso para gamitin ang nasabing bakuna (kaya obvipous naman kung bakit minadali) at ang isa pa ay wala rin palang pondong nakalaan para dito kung kaya kinailangan pa na mag-realine ng pondo mula sa savings ng ibang ahensya na kung saan sinabi na ng korte suprema na labag sa butas este batas ang nasabing mga gawain.
Kaya malamang na tumpak at baka dito na ma lintik itong si dating Pangulong Penoy sapagkat mapapansin ninyo na ang ugat ng lahat ng mga kaguluhang nagaganap dito sa ating bansa ay kasakiman, pagkagahaman at UBOD ANG KORAP ng mga nasa poder (kaya tunay nga na weder weder lang). Ilang buwan na lang ay magre-retiro na ang kanyang protektor na si OMB Morales at siguradong ang susunod na Ombadsman ay kakasuhan si Penoy.
TAPOS KA NA DATING PANGULONG PENOY KAPAG NAGKATAON, BAKA HIMAS HIMAS NG GRILLS NG HOSPITAL ROOM. NALPAS!!!