Simbahang Catolica, nangmomolestya; mga immoral etc…

Tama ba na batikusin at insultihin ni PDigong ang simbahang Catolica at tawagin niya ng kung anu-anong mga salita ang simbahan, ang mga pare at pati na rin mga na sa kumbento kung saan nag aaral para maging pari at kanya pang kuwestuyunin kung saan napupunta ang pondo ng simbahan?

Sa aking pagkakaalam ay lahat o halos lahat ng institusyon ay mayroong sinasabing mga bad eggs, maging sa pribado, gobyerno at mismong sa mga relihiyon. Ito ay inaamin at hindi naman ipinagkakaila ng simbahang Catolica. Tungkulin ng simbahan na mag salita at magsabi ng kanilang saloobin na sa palagay nila ay mga isyu na nakakaapekto sa kanilang mga tagasunod o flock.

Bakit napaka-pikon mo PDigong at gusto mo ata na wala ng kukuwestiyon sa iyong mga pinaggagawa? Masama ba na kuwestyonin ng isang Obispo ang nagaganap na mga Extra Judicial Killings (EJK) na sa kasalukuyan ay umabot na sa libu-libo at ni hindi naman nalulutas ng iyong PNP? Sa aking pagkakaalam ay wala namang kumokontra sa sinasabing drug war ni PDigong sapagkat ito ay makabubuti sa ating lahat, ngunit kung lantaran ng binababoy at binabastos na ang karapatang pantao ay ibang usapan na yan. Ang mga pinapatay na mga suspect ay suspect lamang at mga inosente na damay daw as collateral damage ay walang sinuman ang may karapatan na kunin ang kanilang buhay. Bakit PDigong, ikaw na ba ang Almighty Digong our god?

Pagdating sa mga pondo o finances ng mga simbahan ay dapat una mo munang kuwestiyonin kung saan napupunta ang mga pondo ng simbahan ni Quiboloy ang iyong bes pren, bagamat nilinaw ng isang miyembro ng simbahan Catolica na si Father Dean ng San Beda Law School sa kanyang interview sa DZMM na ang bawat parokia ay mayoon mga sinasabing finance committees at kahit na sinong miyembro ng simbahan ay maaring magtanong o alamin ang hinggil sa finances ng isang simbahan sa parokya. Dapat sana PDigong bago mo batikusin ang simbahang Catolica ay ayusin mo muna ang iyong PNP ng hindi sila gumagawa mismo ng tokhang for ransom kung saan mismong sa Camp Crame ay nagsasagawa sila ng EJK at ayun, Koreano na tepok! At ayon pa sa balita ay mayroon pa daw another 11 cases of oplan tokhang for ransom na naganap sa Chinese Community bagamat silensyo ang marami sa komunidada ng mga intsik hinggil sa nangyayari sa kanila.#

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages