Sino ang nagsasabi ng totoo, si Vergara o si Acosta? Kayo ang maghusga!

Sino ang nagsasabi ng totoo, si Vergara o si Acosta?

Kayo ang maghusga!

Umiinit mga dear readers ang bakbakan nila Worthey Acosta ang whistleblower-accuser na nag aakusa kina Margarita Ting-ting Cojuangco, Bernardo Vergara, Ferdie Balanag et.al…, ng pagnanakaw at pag tampera ng mga used ballots nung nakaraang halalan. Nitong nakaraang linggo ay nag pa prescon si Apo Vergara sa kanilang restawran na Dads at kanilang ipinakita na walang nangyaring tampering of the ballots or the ballot box. Sa nasabing prescon ay dinaluhan ng mga miyembro ng Comelec –CAR at ng mga ibat –ibang medyas este media at mga abogago este abogado ng mga akusado at nang whistleblower . Ang nakakatawa ay kung bakit ang Sunstar Baguio na pagmamay-ari ni Peter Rey Bautista (X-Baguio City Mayor Bautista) ay iginawang headline banner na si Vergara ay na iclear na raw ng COMELEC. Ano kayang comelec ang ibig sabihin ng Sunstar, commission on elections kaya o commission on electioneering o baka commission on lecturing? Sigurado naman na walang kinalaman itong si Peter Rey Bautista sa ganitong mga headlines sapagkat si dating Mayor Bautista ay involved lamang sa management bilang General Manager at ang direktang involved ay ang sumulat na si Giovani Joy Fontanilla at siyempre inaprubahan ng Editor-In-Chief na si Mary Ann Cacdac . Tsk! Tsk! Tsk! , ayokong gamitin ang salitang koryente sapagkat, hindi ko maisip kung paano sila makokoryente samantalang malinaw naman na walang ano man dokumento na ibinigay nuong presscon na dinaluhan ng isa natin consultant na si Bombito “MR. M” Aquino, na nag sasabing dismiss na ang reklamo sa Comelec, eh di saan nakuha ni Ms. Fontanilla ang kanyang nasabing na clear na si Vergara at kung bakit pinalusot ni Editor Cacdac ang isang baseless claim, magkano kaya, magkano kaya, magkano kaya ang iginastos sa presscon??? Hi! HI! Hi! (AGA AMO TAYON) !!! Panawagn ko kay kagalang-galang ginoong Bautista, Apo Peter Rey, sa aking palagay dapat na ma sanction ang Editor at Writer ng iyong pahayagan para ng sa ganoon ay hindi magmukhang nabayaran ang Sunstar na maglabas ng isang impormasyon na walang basehan . Hingil naman sa kaso ng theft and tampering ng mga used ballots , kung sa nakaraan katulad ng akin idineklara sa aking nakaraang kolum hingil sa isyu na hati na ako ay hati (50-50) pag dating sa isyu na ito, sa ngayon ay naging 70-30 na ang aking pananaw. 70% in favor of the whistleblower and 30% in favor of the vergara camp. Bakit kaninyo, katulad din ng aking idineklara sa nakaraang kolum ay madali naman patunayan na nagsisinungaling si whistleblower accosta kung bubuksan ang ballot box at makikitang walang kulang na balota eh di ibig sabihin ay walng nanakaw na balota, eh ngayon na binuksan ang ballot box ay lumalabas na mayroon ngang mga kulang na balota. Aba, eh possible ngang nagsasabi ng katotohanan itong si ginoong whistleblower Acosta!!! Kayo ang humusga mga dear readers, bastat maka aasa kayo na sa pahayangang ito at sa UPLAND News on-line systems ay inyong mababasa ang buong katotohanan hingil sa ballot theft and tampering issue na ito. MABUHAY PO KAYONG MGA INDEPENDENT MINDED KONG READERS NA HINDI BASTA BASTA NAGPAPADALA SA MGA SULAT-SULAT O SABISABI NG MGA IBANG MGA TRYING HARD NA MGA MEDYAS ESTE MEDIA !!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages