Sino ba si Obama, Tama si Digong???

Natatawa na lang ako sa sari-saring komento mula sa mga netizens na tagapagtanggol ni Pangulong Duterte na kung anu-anong kani-kanilang mga justification na ikinatwiran ang pinagsasabi ng pangulo para sa kailan-lamang na ipinakita ni PDU30 kung saan kanyang winarningan itong si Obama na posible na kanya itong mumurahin sa forum. Basically, sinabihan niya itong si Obama na “sino ka ba?!”. Sa madaling salita ay binalewala at minenos niya si Obama. Hi! Hi! Hi!

Tama si PDU30 sa kanyang mga sinabi at ipinakitang katapangan at warning kay Obama na siyang alam natin na pangulo ng pinakamakapangyarihan na bansa sa ibabaw ng mundo. WOW, hanep, bilib na talaga ako kay PDU30, wala na akong masabi, kaya mula ngayon ay panay yes na lang ng yes at bow ng bow ang aking sasabihin at hindi na ako mag-iisip kung tama o mali ang pinaggagawa niya.

Ngayon, balikan lang muna natin ang sinabi ni PDU30 kung sino nga ba itong si Obama at ano kaya ang posibleng mga implikasyon ang kanyang mga MAA-ANGHANG NA MGA SALITANG BINITIWAN.

•Sino si Obama? Siya lang naman ang Pangulo ng pinakamakapangyarihan na bansa sa ibabaw ng mundo, bale wala naman yun, eh ano ngayon! Para ilang libo lang naman na mga kababayan natin na araw-araw ay pumipila sa US Embassy sa Manila para makakuha ng Visa, eh. Palagay ko ikinatutuwa ng mga kano sa embahada yung mga binitawan na salita ni PDU30. Eh bakit puwede naman tayong pumila sa Chinese, Russian o North Korean embassy para kumuha ng Visa. Yes , why not? My fellow kababayans, tara na sa emabahada ng Nokor o China o Russia. Hi! Hi! Hi!

•Sino si Obama? Siya lang naman ang Pangulo ng Amerika na siyang isa sa mga bansa na nagbibigay sa atin ng foreign aid. Eh ano ngayon? Para foreign aide lang naman, eh anjan naman ang China, Russia at North Korea na pwede natin hingan ng foreign aid. Hi! Hi! Hi!

•Sino si Obama? Siya lang naman ang Pangulo na nag-nanais na ang China ay galangin ang desisyon ng UNCLOS. Eh so, so what? Hindi naman natin kailangan ang mga Kano para suportahan tayo sa ating depensa laban sa China at kayang kaya natin ang China! Tingnan niyo at mag je-jetski lang si PDU30 papuntang Spratlys at magsisitakbuhan na ang mga Intsik. Tutal saan ka naman nakakita maliban kay dating pangulong Idi Amin na isang cannibal na siyang kayang kumain ng tao? Walang iba kung hindi ang ating si PDU30. Mahilig pala sa kilawing Abu Sayyaf itong si PDU30. Hi! Hi! Hi!

•Ngayon nagtataka naman ako kung bakit mga after 2 days mula ng sinabi ni PDU30 yung mga matitindi niyang salita at ng dahil duon ay ipinakansela ni Obama ang kanilang meeting! Ako ay takang-taka kung bakit sabi ng Malacanang na nag-sorry daw si PDU30 hinggil sa kanyang matitinding salitang binitiwan at ayaw naman daw niya makipag away kay Obama. Ha?????? Sabi ko sa aking sarili, why o why Mr. President? Natakot kayo? Lumambot kayo? Eto pa ang isang pinakamagandang nabasa ko mula sa ilang mga netizen sa Baguio; sabi ng isa, eh bakit hindi naman natin kailangan ang Amerika at kung tutuusin ay mas kailangan tayo ng Amerika. Hi! Hi! Hi! Tutoo yang comment na yan YES! YES! YES! Parati ninyong pakatatandaan na hindi natin kailangan ang Amerika at mas kailangan tayo ng Amerika! WHAAA HA HA HA HA HA HA HA. Wala na akong masabi sa ganitong mga argumento na sinang-ayunan at ni-like pa ng ilang mga netizens. Teka nga pala nais ko lang ipaabot ang aking paumanhin at isang malaking sorry sa mga nagsasabi nito na mas kailangan tayo ng America kaysa sa kailangan natin sila. Alam niyo naman mga dear readers, isa lamang akong hamak na kolumnista na grade 1 lang ang inabot ko at may back subject pa, kaya kung ako ay mapapaliwanagan kung bakit tayo mas kailangan ng America, pls.pls.pls. paki paliwanag lang po sa aking maliit na utak! NALPAS!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages