“Yankee go home!” ang dapat na sigaw ng bayan.
Katulad ng aking ipinaliwanag sa nakaraang kong kulom ay hindi na ako mag-iisip basta sinabi ni Pangulong Digong ay yes ng yes na lang ako sapagkat ako ay isang tunay na DuTerTARD. Hindi ko na kukwestionin, kokontrahin o pag-iisipan man lang ang mga pinagsasabi ng aking mahal na Haring Digong este Pangulong Digong at lahat ng sabihin niya ay basta BOW NA LANG AKO NG BOW at YES NG YES na lang ako, lalo na sa isyu na kanyang pinaaalis ang mga Kano sa ating lupain at kanya na ring ininsulto ng ilang beses ang mga Kano ay isang napakagandang adhikain at mungkahi ng kanyang administrasyon. Ito daw ay isang opisyal na polisiya ng Duterte administrasyon.
Better get out of PI you white guys pronto as Secretary Perfect Yasay said na ayaw na natin na maging little brown brother na inyong didiktahan pagdating sa human rights, etc. Very good, very good pronouncements. Ibig sabihin ay kayang-kaya na nating tumayo ng independent sa ating sarling paa. Kaya dapat sana ay huwag na rin tayong humingi ng tulong sa mga ibang bansa katulad ng China at Japan, etc. Dapat ang isang independent foreign policy ay maging isang sistema kung saan wala tayong aasahan kahit sino pa na bansa.
Ayon naman kay dating Senador Enrile, ang pagkakaroon ng isang independent foreign policy ay nangangahulugan na dapat lang ay wala nang EDCA and other agreements and treaties na ating pinasok with the US. Kaya sana mahal na hari este Pangulong Digong ay kanselahin na rin ninyo ang mga treaty na pinasok ng mga nakaraang administrasyon para tuwang-tuwa na ang MILF, MNLF at NDF.
Yehey! Yehey! Tunay na Malaya na ang ating bansa!
Katulad ng aking sinabi, base sa aking mga nabasa sa maraming netizens sa FB, ang kanilang pananaw ay mas kailangan tayo ng Kano at hindi natin kailangan ang Kano! Hi! Hi! Hi! Very true indeed, we do not need the Americans but the Americans need us!!! WHA ! HA! HA! HA! HA!
Mas kailangan tayo ng mga Kano ha! Kung maari nga sana ay pati na rin ang mga kompanya ng mga Amerikano sa ating bansa ay lumipat na ng ibang bansa at hindi natin kailangan ng mga Kano sa bansa na ito at mismong si hari este Pangulong Diogong ang nagsabi na “I am anti-american for personal reasons.” At kaya nga niya hindi siniputan ang isang pagtitipon nila ni Obama at nagbigay na lang siya ng palusot na mayroon siyang migraine bagama’t inamin niya pagbalik niya ng Pinas na palusot lang daw niya yuon at ayaw lang niya talagang daluhan, sapagkat siya ay anti-American.
Alam niyo naman na isa akong patriot at nationalist at heart kaya nga lahat ng aking gamit sa bahay ay puros lokal, at ni hindi nga ako kumakain sa mga restwaran ng Kano na katulad ng McDo, etc.
I love my country as it is the only country I have and if you destroy my country, I will kill you. Sounds family po ba. Hi! Hi! Hi!
NALPAS!