Tunay na nakalulungkot ang kasalukuyang nangyayari sa iba’t ibang airports kung saan mahaba raw ang pila sa mga immigration counters dala ng mass leave and resignation ng mga immigration officers.
Ang problema ay nag-ugat daw sa kawalan ng kanilang nakukuhang overtime pay mula ng hindi na pinayagan ni Pangulong Digong na bigyan sila ng overtime pay mula sa income ng express lane. Kung ating iisipin ay bakit naman ipagkait sa kanila ang kanilang overtime na pupuwede namang kunin sa income ng mga express lane? Sa biglang pandinig ay kawawa naman sila at kung bakit ipagkakait sa kanila ang kanilang overtime pay, bagamat kapag naunawaan ninyo ang punto ng gobyerno ay kampi at panig ako sa gobyerno sa pagkakataon na ito.
Una sa lahat ay ang pag-trabaho sa gobyerno ay serbisyo publiko at hindi pagpapayaman ang lakad o hangarin ng isang tao kapag siya ay pumasok sa gobyerno. Pangalawa ay bawal sa batas ang pagkobra ng mahigit sa singkwenta porsyento (50%) ng inyong sahod, eh lumalabas na noong nakaraan ay kumukobra ng hanggang tatlong daan porsyento (300%) ng kanilang sahod ang mga immigration officers. Kaya kung ang kanilang sahod ay na sa P16K per month ay ang kanilang overtime ay umaabot sa P45K. Malabo naman ang ganitong sisitema kung saan biolasyon na ito ng ating mga batas at kung bakit pinayagan ng mga nakaraang administrasyon???
O ngayon na ipinatigil ang iligal na overtime pay ay nag aalburuto ang mga officers na ito at para bagang na hostage nila ang mamamayang Pilipino dala ng kanilang mass leave and/or resignation. Bagama’t ang mas nakakatakot at obseryosong aspeto dito ay ang breach of security at paghina ng sekuridad sa immigration counters sapagkat sa dami na ng mga kliente na inaasikaso ng iilang immigration officers ay siguradong pagod na pagod at undermanned na ang mga immigration counters kaya malaki ang posibilidad na may mga makakalusot at makakapasok na may masasang loob sa ating bansa.
Ang aking opinyon ay hindi dapat payagang mag leave o mag resign ang mga nasabing immigration officers hanggat wala silang mga kapalit sapagkat malinaw na nais lang nilang i-hostage ang sambayanang Pilipino.
PWEEE……..
####
Ano ba naman ang grupong ito ng Kadamay isang marginalized group of urban poor kung saan bigla-bigla silang nag-occupy ng mga pabahay na nakalaan na para sa mga sundalo at iba pa? Ang problema ay nang kanilang ginawa ito imbisna pahintulutan at konsintehin ni PDigong ang ganitong sitwasyon ay sinipa sila sapagkat kung gawin din ito ng ibang mga maralitang grupo ay papayagan ba ulit ni PDigong ang ganitong sitwasyon na aagawin na lamang nila ang mga bahay na nakalaan na sa ating mga sundalo!? Maling-mali ang ganitong sitwasyon at dapat na sipain sila kaagad dahil ang kanilang ginawa ay house and land grabbing. Ibang klase rin itong si PDigong, mukhang balubaluktot ang kanyang pangangatwiran!!!
####
DILG Secretary Sueno sinibak dala daw ng intriga, ayon mismo kay Sec. Sueno. Hi! Hi! Hi! Ikaw naman Sec Sueno, pinalalabas mo naman na walang pruweba ang pag-sibak sa iyo ni PDigong.
Ayon sa bali-balita ay kinontra mo daw ang kagustuhan ni haring Digong kaya ka nasibak at hindi intriga ang dahilan at sa halip ay malawakang korapsiyon ang dahilan. Ano ka ba naman kasi Sec Sueno para ka namang hindi isang certified original Dutertard. Hi ! Hi ! Hi ! Ayan tuloy na lintik ka na.
Goodbye. Magsama-sama na muna kayo ni Peter Lavina habang inaantay ninyo ang pagsibak ng mga ibang katulad ninyo!