>Sweldo, Sideline, atbp ng Konsehal, VM at Mayor? >Claraval, pinatakbo niDomogs, pambawas ng boto ni Jomol?

Sweldo, sideline atbp ng Konsehal, Vice Mayor, at Mayor- Magkano ba talaga ang kinikita ng ating mga kagalang–galang na opisyales katulad ng Konsehal, Bise-Mayor, at Mayor? Ang mga sumusunod na sahod nila ay base sa kanilang salary grade ayon sa ating salary standardization law.

FOR CITY COUNCILOR
Monthly salary (gross) 😛 79,937.00 X 12 mos. = P 887,244.00
Representation (RA) 😛 8,500.00 X 12 mos. =P 102,000.00
Transportation (TA) : P 8,500.00 X 12 mos. =P 102,000.00
Total Annual Salary & Allowances P1,091,244.00

Other funds for their office:
1. Annual budget of Two Million Pesos (P2,000,000.00) per councilor at their disposition based on their recommendation kung saang barangay projects nila gagastusin. Hindi po dadaan sa kanilang kamay ang perang ito, ngunit alam naman na natin ang siste ng diskarte dtto ng mga iba (ayaw ko namang lahatin). Ito ang tinatawag na Pork barrel funds.

2. Annual budget of P50,000.00 for office supplies.

3. Budget (monthly) for office staff:
* Legislative Assistant – P17,000.00
* 1 Admin Clerk- P13,000.00
* 1 Utility – P10,000.00

4. Other benefits, brought about by the Position of authority, funds source (SECRET) – this amount can range from a low of P30K per month up to P150K per month

5. Other benefits, brought about by the Position of authority, Committee Chairmanship, funds source (SECRET)???

FOR VICE-MAYOR
Monthly salary (gross) :P96,363.00 X 12 mos = P1,156.356.00
Representation (RA) 😛 8,500.00 X 12 mos. = P 102,000.00
Transportation (TA) – car provided: – 0 – _________
Total Annual Salary & Allowances P1,258,356.00

•Plus the above amounts indicated for Councilors in items 2,3,4, 5

FOR MAYOR
Monthly salary (gross) :P117,601.00 X 12 mos. = P1,411,212.00
Representation (RA) 😛 8,500.00 X 12 mos = P 102,000.00
Transportation (TA) – car provided : P – 0- _________
Total Salary & Allowances P1,513,212.00

•No budget as indicated in the above office funds for item no. 1, 2, and 3. Nakalimutan ko i verify. Plus the above items at No. 4 & 5 – SUPER SECRET- NO COMMENT. MY LIPS ARE SEALED AT GUSTO KO PA HUMABA BUHAY KO. GALIT SI APO PAG AKO KWENTO-KWENTO!!! Hi! Hi! Hi

####

Base sa aking mga naiulat at the above, bagama’t mukhang malaki-laki ang kanilang kita, sa tutuo lang madami rin naman ng humihingi at lumalapit para sa tulong sa kanila at wala pa jan ang KBL o kasal, binyag at libing. Kaya kung isa kang opisyal na mabisyo (mahilig sa ABS), patay kang bata ka este patay kaming constituents mo sa lebel ng pango-ngorakot na gagawin mo. Ngunit nagtataka naman rin talaga ako sa mga pang Famas awardee na mga kandidato na ang dami pang drama. Kilala ko na kayo at ikinukuwento sa akin ng aking impakto este de facto publisher at siya mismo ang lumalakad ng kahit na kapiranggot na pa-konswelo de bobo na ads ay hindi tayo mapagbigyan. Marahil ay marami silang mga bisyo at pamilya na kailangan nilang tustusan. Hi! Hi! Hi! PWEEE…. AGA AMO TAYON !!!

####

Si Claraval daw pinatakbo ni Apo Domogs para mabawasan ng boto si Apo Jomol?- Ano ba itong mainit na bulong-bulungan na ito raw si Mr. C or Mr. Judge Claravall na tumatakbo para Mayor ay pinatakbo daw ni Apo Morris at mayroon na daw silang usapan na magiging kanyang appointment to a government position kapag manumbalik si Apo Morris as mayor of Baguio??? Ayon daw sa pag-aaral ng kampo ni Apo Morris, lumalabas sa kanilang statistics at assessment na 80% dawng kakainin na botos ni Mr. C ay manggagaling sa mga botante ni Apo Jomol, kaya in the end lalong lalaki ang labas ng botos ni Apo Morris! Itong bagay na ito ay marahil ay hindi na matitiyak ng kahit sino sa atin sapagkat ang mga ganitong pagkakasunduan ay nasa kaalaman lamang ng mga dalawa o tatlo hanggang apat na katao lamang. Abangan ang update sa mainit na CHISMIS (sa ngayon).

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages