TEPO –vs- Aliping at Simbahan Katolika etc…

TEPO –vs- Aliping at Simbahan Katolika etc…
Reklamo kay Dobhie De Guzman (ABS-CBN Baguio)

Volume XVII NO. 50 October 4, 2014

Reklamo kay Dobhie De Guzman (ABS-CBN Baguio) – Hindi ko na masyadong isasalaysay ang mga detalye ng reklamo ng  aming impakto este de facto publisher na si Freddie Farres, ngunit aking  ilalabas ang kabuuan ng reklamo na inyong mababasa  dito sa aking kolum. Para duon sa mga hindi nakakaalam kung tungkol saan ito, ang akin lamang masasabi ay ito ay nag-ugat hingil sa aking mga ni re-request na  maka kuha (o maka-bili) ng ilan mga footages ng TV Patrol Baguio, ngunit malinaw sa kasagutan ng TV Patrol Baguio na pwede tayong pagbentahan ng footages bastat magbabayad tayo ng TWO HUNDRED DOLLAR (US$ 200) PER 3 MINUTES OF FOOTAGE or katumbas ng halagang P 8,800 per 3 minutes (ano kayo siniswirti) sa CNN, sa BBC, sa ABC etc.., libre nga basta iacknowledge lamang sila, kayo pa na TV Patrol Baguio lang.  Mabuti pa na sabihin na lang ninyo na hindi kami handang magbigay sa inyo ng certain footages na inyong hinnihingi sa dahilan baka kami *&%$3#0Pu^&%+?. Hi ! Hi ! Hi ! Hi !  Kaya kayong mga medyas este media, maging parehas kayo sa lahat at kung mambubutas ay siguraduhin na talagang may sapat na butas at hindi porket bayad kayo sa isang pol-politiko at bata kayo ng isang X-pol-politiko ay banat lang kayo ng banat sa kalaban ni Mr. Politician. Konting pabala lamang mga kaibigan na medyas este media na nagpapagamit siguraduhin ninyo na mayroon kayong sapat na pruweba at hindi basta haka-haka lamang kung hindi, kami mismo ang maglalabas ng inyong mga BAHO. Intiendes, naawatam, malinaw po ba mga kaibigan!!!

####

TEPO –vs- Aliping at Simbahan Katolika etc…- Ayos din itong si Bishop Cenzon na isa sa mga petitioners  para sa writ of kalikasan kung saan kamakailan lang ay naglabas ng TEPO o Temporary Protection Order ang Korte Suprema. Sa aking pagkakaalam ay didinggin na ngayon ng korte suprema kung kanilang bibigyan ng writ of kalikasan o ano man order na magpapatigil sa patuloy na development ng komunidad sa Mt. Sto Tomas, Tuba, Benguet. Para sa kaalaman ng lahat, sa Mt. Sto Tomas ay mayroon isang malaking komunidad kung saan mayroon din simbahan katolika o Catholic Church sa nasabing lugar, sigurado ko naman na alam ito ni Bishop Cenzon. Bagamat hindi ko pa na beripika kung kailan na itayo ang nasabing simbahan sa nasabing lugar ay baka naman ang simabahan katolika pa nga ang isa sa mga naunang nag develop sa nasabing lugar, huwag naman sana ganoon, tama po ba Apo Bishop . Sapagkat  sa ngayon para bagang medyo katawa –tawa na mismo ang pinuno ng simbahan katolika na siyang isang petitioner para sa pag papatigil ng development sa nasabing lugar ang siyang isa sa pasimuno sa development nuong araw, ano yan selective and/or discriminatory  development or non-development o doble kara??? Sa aking pagkakaintindi sa ating butas este batas kapag ipatigil ang development sa isang forest reserve ang pagpapatigil na iyan ay para sa lahat maging sa mga magsasaka, mga minero, mga residential houses, mga simbahan,  pati na DPWH,  mga restaurants, resorts at iba pa at hindi naman pwedeng patigilin lamang ang isang proyekto o development porket politico ang may-ari, tama po ba mga mga dear readers.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages