Tolongges na Negosyante!!! Relax lang, Manang Leni!!! DOTR Dir. Francis Almora kayang-kaya niyo SIR!!!

Tolongges na Negosyante – Isang blind item po muna. Alam ninyo mga dear readers, bago pa man ipina-uso ni Yorme Isko ang salitang tolongges ay matagal ko ng ginagamit yan. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang tolongges? Ito ay kombinasyon ng tanga, mang-mang, inosente, may sariling mundo, out of touch sa realidad atbp. Ngayon, mayroon akong kilalang isang negosyante na dapat na ay mag iba na ng linya sapagkat napakagaling mag-palusot (pang famas award ang mga bulshit na palusot niya) pag dating sa kanyang pag-bigay ng kanyang obligasyon. Nakakita ka na ba ng isang negosyante na patuloy ang pag nenegosyo kahit na hindi kumikita? O baka naman masyado lang ganid ang negosyante na ito at ayaw ibigay ang mga dapat na ibigay na for the boys at kanyang mga obligasyon. Dapat sa gunggong na tolongges na ito ay mag-sara na at lumipat na ng ibang negosyo o mag-artista ka na lang at mahilig ka sa drama. Dami mong palusot, kala mo matotolongges mo lahat ng ka-deal mo. Kung ang iba na papaniwala mo aba eh wag mong lahatin, PWEEEE!!! Bowisit kang negosyante ka, dami mong palusot, kung hindi ka kumikita eh di magsara ka na ng dalawa mong puwesto at mag-palit ka na ng iyong hanapbuhay. At sino itong gagosyante este negosyante na ito na taga Bauko Mt. Province, secret for now?

####

Relax lang Manang Leni -Take it easy VP Leni. Hindi naman po sikreto sa lahat na ako ay isang Marcos Loyalist. Ever since sa aking mga kolum ay hindi ko ito pinagkaila at parati akong kampi sa mga Marcos. Kung sabaagay ako ay taga Sinait, Ilocos Sur, born and raised at andun marami sa aking mga relatives.
Sa tutuo lang ay yan ang isang gusto ko sa pahayagan na ito – kaya matagal na akong kolumnista dito ay malaya kaming mga kolumnista na nakapagsusulat ng aming panananaw at opinyon kahit na kung minsan ay nagbabanatan na kaming mga kolumnista sa isang paraan na sinasabing friendly clash of ideas and opinions. Sa madalit salita ay naniniwala kami na kung kakailanganin ay we can always agree to disagree. Malaya kaming makapag hahayag ng aming mga adhikain at paniniwala!
Ang tunay na sa aking pananaw ay ang tunay na VP ay of course si BBM kaya umaasa rin ako na mailalagay sa ayos ang isinasagawang recount na PET. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit masyadong apurado itong si Manang Leni na ibasura na ang protesta ni BBM. Tapos na po ba ang lahat ng recount??? Why so in a hurry Manang VP Leni? Naka pwesto naman na kayo (in fact baka abutan pa ng susunod na halalan at di pa matapos ang recount at mga ibang legal maneuvers ninyo, eh di kayo rin nakinabang sa pagka fake-VP ninyo). Bakit hindi na lang ninyo hayaan na ipatupad ang kabuuan ng recount nang sa ganoon ay tunay na makikita ng buong sambayanan kung mayroon nga o walang pandarayang naganap ? Relax lang Manang Leni !!!

####

DOTR Director Francis Ray Almora – kayang kaya niyo SIR – Malaki at matindi ang ekspektasyon ng mga taga Baguio sa pamumuno ni DOTR Regional Director Francis Almora hinggil sa kanyang hinaharap na mga suliranin sa matinding trapik sa siyudad. Kung minsan ay humahabol na rin sa katindihan ang trapik sa atin na parang Manila istayl na rin.
Hindi lang PNP traffic division and enforcement ang may responsibilidad na tumulong sa traffic engineering kung hindi pati rin ang DOTR –LTO kasama sa kanilang madato ang makatulong sa traffic enforcement.
Sa aking humble opinion Sir Francis, una sa lahat ay kailangan ng ma-impound ang limpak-limpak na kolorum taxis na nag-ooperate. Nasa libo “daw” ang bilang ng mga kolorum. Maliban dito ay mayroon pa akong mga ibang suhestiyon na aking ipararating kay Dir. Almora kapag ako ay nag-courtesy call sa kanya very soon. In fact, ako na mismo ang mag rerecomend na bigyan ng award ng Linis Gobyerno si Dir. Almora once makita natin ang kanyang mga adhikain meant for our traffic relief. Kayang-kaya niyo yan SIR FRANCIS ALMORA, Mabuhay Kayo at ang DOTR Cordillera.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages