Trillanes at Binay- PAG UMPUGIN KO ULO NINYO…

Trillanes at Binay- PAG UMPUGIN KO ULO NINYONG
DALAWA- GINAGAGO NINYO ANG SAMBAYANAN !!!

VOL. XVIII  NO. 3 (October 25-31, 2014)

Mga dear readers, mga mahal kong mga tanga este taga Baguio, huwag kayong magtaka kung bakit ko nasabi na pag uumpugin ko ang ulo ng dalawang opisyales na ito at  kung bakit nila ginagago tayong mga Pilipino . Aba eh, simple lamang po mga dear readers, unahin natin itong si Binay alias benepisaryo ng  operation Nognog. Ikaw Binay dapat sana kung hindi ka ganoon ka-korap ay gagawin mo ang lahat para ipakita sa madlang pipol na wala kang tinatago maging sa Makati 2.2 biliion building mo at pati na rin sa iyong hasyenda Binay sa Batangas. Eh hindi ganoon ang nangyayari, ang dami mo pang mga PALUSOT at kung ano ano pang mga panga-ngatwiran samantalang ang isang inosenteng tao ay gagawin ang lahat para ipagtangaol ang kanyang dignidad at imahe , pero ikaw at iyong agkan ( MAYOR JUN JUN, CONGRESSMAN BINAY AT SENADORA BINAY) ay walang malinaw at matibay na pruweba na ma-ipakita na walang na ganap na matinding korapsyon sa 2.2 billion Makati building at lalong lalo na sa hasyenda  Binay kung saan ang isang mistisong bangus (Antonio Tiu) na intsik  ang  humarap sa senado na wala naman dala kung hindi ang kanya lamang bayag at ni isang  titolo o ano pa man ligal na matibay tibay na dokumento ang dala, eh di DUMMY nga siya ni  p. Oh mga Binay -Puro naman naman  kayo. Kaya kung ako ang iyong tatanungin ay hindi kita iboboto sapagkat MALINAW SA AKING ISIPAN NA ISA KANG MALUPIT AT MATINDING KORAP NA OPISYALES.

******

Ikaw naman MR. X-MILITARY MUTINEER MAGDALO REBEL na nagmamalinis, konting panahon na lang para makita na rin ng sambayanan Pilipino ang tunay na kulay mo, yes Guawpo ka nga at matikas ka nga ngunit mukhang isa kang ruthless GUN FOR HIRE na nag mamalinis. Bakit ka ninyo, hindi pa nababaon sa limo sa sambayanan Pilipino ang iyong back channeling sa bansang CHINA  kung saan mismong ang kasalukuyan Ambassador  ng panahon nay un at ang DFA at pati na rin ang SECRETARY OF DFA ang mismong kumontra sayo, ang tanong ngayon ay hudas ka nga kaya sa sambayanan Pilipino , Yes or No, MISTER MAGDALO ?!?! Sa aking palagay ay sayang ang pagka PMA mo ng Class 1994. Ngayon ang isang hindi  magandang ginagawa mo bilang miyembro ng blue ribbon committee ay ang patuloy na grand standing mo at malinaw na demolition job ang lakad mo laban sa mga Binay, bakit kan ninyo? Eh hindi ba ang mga imbestigasyon sa senado at maging sa blue ribbon committee are all done in aid of legislation, eh ano ba ginagawa mo eh puros pag-papapogi lamang at pagpapabida sa media.  ANG DAPAT MONG GAWIN AT GINAWA NUON PA AY SABIHAN ANG OMBADSMAN ESTE OMBUDSMAN AT ANG DOJ NA IMBESTIGAHAN NG AGARAN SI BINAY AT AGARAN DIN ISAMPA ANG REKLAMO KUNG MAY SAPAT NA BASEHAN at itigil mo na ang pag-papapogi para sa libreng medyas este media mileage. Bakit Mr. Senator Trillanes, ano ba ang pangunhin trabaho mo imbestigador ka ba o legislator??? AGA AMO TAYON *** NEGATIB KAYO PAREHO SA AKIN AT DAPAT LANG KAYONG PAREHONG IBASURA !!!! 

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages