Ibang klase rin talaga mga dear readers itong ating mahal na Pangulong Digong, ano?! Sa kanyang nais na magkaroon tayo ng isang independent foreign policy ay kanyang winewelcome at pinapaboran ang China, at ang US ay kanyang inetsapwera. Sang-ayon po ba kayo sa ganitong mga hakbangin ng ating mahal na Pangulo? Tama ba na huwag ng ipagpatuloy ang mga treaty at iba pa na mga agreement na sa kasalukuyan ay iniimplementa natin with the US? Tama ba na ang isang long standing ally katulad ng Amerika ay basta basta na lang ay babale-walain ng ating mahal na Pangulo?
Kung sabagay, katulad ng aking nasabi sa aking nakaraang kolum ay mas kursonada ko talaga ang mga Chineese Goods. Una sa lahat ay mas mura mga made in China, murang mura komparado sa made in the USA. Pangalawa ay mas madaling kumuha ng Chinese visa keysa sa US visa na ubod ang hirap at magastos pa (7K plus for US tourist visa) panay deny ka pa sa US embassy, samantalang ang Chinese tourist visa ay P900 lang, aprub pa agad. Pangatlo ay sa sarap at dami ng mga pagkain ng mga intsik ay walang walang sinabi ang pagkain ng mga kano na puros hambolgel, plench plies, hatdogs at sari saring sandwich o mga stew-stew lamang samantalang sa mga instsik sa flied lice pa lang ayos na, wala pa jan ang lumpyang shangyai, syomai, siyopao, pansit canton, peking duck at libo-libo pa na mga putaheng intsik na ubod ang sasarap.
Pinag-aaralan ko nga kung oobra na maging isa akong Chinese citizen sapagkat sa aking palagay ay malalagpasan ng China ang Amerika in the next ten years at ang China ang magiging number one sa tibay ng ekonomiya, number one na super power etc.
At ano naman itong pinag-sasabi ni Senador Trillanes na ito raw si mahal na Pangulong Digong ay isang komunista sapagkat kanyang pinakawalan ang mga komunista na nakakulong at kanya ring pinapaboran ang mga lokal na komunista at ngayon ay sumisipsip pa ng husto sa mga intsik sa China? Ipagpalagay na natin na komunista ang ating mahal na Pangulo, eh ano naman ang masama kung komunista siya at isa siyang modern pseudo liberal independent and westernized communist, masama po ba yun?
Sa kasalukuyan ay inuumpisahan ko na nga na matuto ng salitang intsik at mukhang kursonada ko na mag-aral ng Mandarin. Hi! Hi! Hi! 我们注定 Wǒmen zhùdìng. Alamin ninyo ang salitang intsik na ito!!! Mabuhay ang Pinoy este ang China!!!